Kabanata 5

4.6K 234 24
                                    

Kabanata 5

Queensland Island

Nagising ako sa sariwang hangin na dumarampi sa aking pisngi pati ang mabangong amoy na nanunuot sa aking ilong.

Bumangon ako at napansin kong nasa mesita na ang hinubad kong nighties and underwear's kagabi. Uminit ang dalawang pisngi ko sa isiping nahawakan ito ni Ellwood bukod sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa suot kong lose T-shirt matapos ay napabuntong hininga. Sa huli ay pinili kong isuot ang underware ko at ang parehong lose white shirt. Ngayon ako mas nakaramdam ng hiya higit pa kagabi kung saan nilagyan niya ng gamot ang mismong sugat ko sa binti.

Mabilis kong binatukan ang sarili dahil parang hinain ko pala ang katawan ko nang lumapit at tumabi ako dito kagabi.

If he's like the bad guy that I've had watched in a thriller movies. Pwedeng pwede niya akong pagsamantalahan na walang kalaban-laban.

Pero hindi niya ginawa.

I pursed my lips, muling pinagalitan ang sarili. Hindi paba sapat na pinatuloy ka niya dito at itinago kila Dolfo para pag-isipan siya ng masama?

I let out a heavy sigh, sa ngayon ay wala akong magagawa kundi ang magtiwala dito, kahit na hirap na para sa akin gawin iyon pagkatapos ng lahat-lahat.

Napakislot ako nang marinig ang ilang yabag mula sa labas ng aking silid. Mabilis akong lumabas para sana batiin ito pero laking gulat ko nang hindi pamilyar sa akin ang nadatnan.

The women with her ebony hair and bright eyes looking hard at me.

"Uh, good morning," tangi kong nasabi.

Mabilis bumaba ang tingin nito sa suot ko at nagtagal sa binti kong may sugat.

"Ikaw siguro 'yong pumuslit dito kagabi at pinaghahanap ng mga pulis." Pinutol nito ang tingin sa akin at diretso sa sofa set para pagpagan ang mga iyon at ayosin.

Base sa suot nito ay isa ito sa mga tauhan dito. Halos kasing tangkad ko lamang ito pero base rin sa pangangatawan ay halatang may edad ito sa akin.

"Ako nga pala si Tinay ang maid servant dito. Binilin ka rin sa akin ni Sir Ellwood," aniya na hindi ako tinatapunan ng tingin.

Nais ko sanang itanong kung nasaan ito. Batid kong hindi ito dito natulog kagabi dahil sa binigay niya sa akin ang kaniyang silid.

"Nakuha mo ba ang panty at bra mo?" Doon ito humarap sa akin at muli akong sinuyod ng tingin.

"Opo, salamat."

Yumuko ako para itago ang pamumula ng mga mukha. Buong akala ko ay si Ellwood ang may dala niyon.

"Kumain kana, babalik ako after twenty minutes para iligpit ang pinagkainan mo." Nag-umpisa na itong maglakad patungo sa pinto.

"Nasaan po si Ellwood?" Hindi ko na napigilang itanong.

Tumigil ito at pumihit sa akin parahap. Her eyes squinted a bit, and her brows twitched as if I was said something she didn't like.

"Natutulog sa isa sa mga cabin dito. Para malaman mo hindi ito cruise ship. Isa itong cargo, hindi ganoon karami ang silid dito at ang tanging maayos-ayos na silid ay ito." Mataas na ang tono ng boses nito nang magsalita sa akin.

Doon ako tinablan ng hiya at hindi agad nakapagsalita.

"Isa pa, baka iniisip mo namamasyal tayo? Mamaya rin gabi ay dadaong na ang barkong ito sa Queensland. Ibig sabihin hindi ka na sagot ng Echeverrii Trading. Kung maari ayaw namin ng gulo, kung hindi lang sa paki-usap ni Sir Ellwood ay hindi kami papayag na mag-akyat siya dito ng isang kriminal."

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon