Kabanata 35

2.1K 95 18
                                    


Kabanata 35

Spring

Naghanda na nga kami para sa planong picnic sa may batis. Hinanda na rin nina Aling Lusing at Manang Gloria ang mga kailangan namin habang si Tata Teban naman ang maghahatid sa amin sa bukana patungong batis.

"Sabihan n'yo na lang ho kung pauwi na kayo para masundo ko kayo," ani Tata Teban sa'kin.

"Sige ho, salamat." Tumango ako dito at hinatid na ng tingin ang palayong sasakyan.

"Grabe ang ganda pala dito, parang hindi na rin nalalayo sa Queensland island!" bulalas ni Issay.

"Pero sa tingin ko mas malawak ito kesa sa hacienda na meron sina Sir Ellwood," wika naman ni Allan habang bitbit ang ilan naming gamit.

"Ang mabuti pa umpisahan na natin maglakad. Malayo layo pa ang batis dito."  Agad naman tumabi sa'kin si Iverson at inagaw sa'kin ang dala kong shoulder bag.

Hinayaan ko lang siya sa ginawa n'ya tutal ay pabor sa'kin 'yon maging ang pagtabi n'ya sa'kin habang naglalakad kami papasok sa loob ng kagubatan.

Mapait akong ngumiti habang iniiwan ng tingin ang pamilyar na daan kung saan ako nagkubli kay Dolfo noon. Hindi ko mapigilang manginigan ng laman habang pinipigilan bumalong ang mga luha sa aking mga mata at sumabog ang galit.

"Are you okay? Pawis na pawis ka na agad wala pang isang kilometro ang nalalakad natin?" Pukaw ni Iverson sa aking pananahimik. 

Hindi ko ito pinansin bagkus ay tumabi ako kay Issay upang makipag kwentuhan. Gusto kong ibida dito ang mga lupain at punong kahoy na meron ang San Marcelino.

"Biruin mo isa ka palang haciendera? Bakit ka pa lumayas sa inyo gayong halos nasa iyo na ang lahat. Kahit siguro humilata ka maghapon ay mabubuhay ka!"

"It's because of my parent's hard work kaya ganito kalago ang negosyo namin," wika ko at sumulyap pa kay Iverson na tahimik lang sa aking tabi.

"Kaya hindi ko sila bibiguin at palalaguin pa ito nang palalaguin," dagdag ko pa.

"Of course with the help of my mom, and especially me."

Lumingon ako kay Iverson na siyang tumaas ng bahagya ang labi matapos iyon sabihin.

"Of course,  kaya excited na akong pamahalaan ang lahat ng iniwan sa'kin ni daddy." Mas maluwang ang binigay kong ngiti dito. Ngunit kabaliktaran naman ang ginanti n'ya matapos ay umiwas na ng tingin.

 "Malapit na tayo sa batis!" masigla kong sambit nang maulinigan na ang malakas na agos ng tubig.

Tumakbo na ako nang matanawan ko na ang isang bungalow na malapit sa batis. Dati nang nandoon ang bungalow na si daddy pa ang nagpagawa sapagkat mahilig talaga akong maligo sa batis noon pa man.

Gaya ng dati ay malinaw at malinis pa rin ang tubig. Makukulay at buhay na buhay ang mga punong kahoy maging ang ilang bulaklak doon. Ang bungalow ay matatag na nakatayo sa ilalim ng pinakamalaking puno dito sa San Marcelino.

Mabilis kong tiningala ang isang maliit na tree house na nandoon. Si daddy rin ang nagpagawa no'n para sa'kin. Mas lumuwang ang ngiti ko sa mga labi nang maalala ang masasayang araw namin noon dito.

Hindi na ako nagdalawang isip na hubarin ang suot kong sapatos, at dahil ready naman na sa pagligo ang suot kong short ay hinubad ko na ang top white shirt ko at lumantand ang suot kong bathing suit.

Hindi ko na rin hinintay na pigilan ako ni Issay, o nang sino man at tumalon na ako sa tubig. Malakas na sigaw ang narinig ko mula kay Issay na hindi ko na lang pinansin.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon