Kabanata 31

1.9K 82 7
                                    

Kabanata 31

Birthday

Maaga pa lang ay abala na ang lahat sa gaganaping pagdiriwang sa malawak na bakuran ng mansyon para sa aking kaarawan. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko ang dami nang katulong na hindi magkamayaw sa dami nang trabaho.

Naroon na rin ang inatasan ni Auntie Celeste para mag-ayos at siyang maghanda sa pagdiriwang mamayang gabi. Sunod-sunod na rin ang  dating ng mga regalo na nilalagay nila sa isang mahabang lamesa. Tiyak naman na sa mga amiga ni Auntie at ilang business partners ng kompanya na tiyak kong imbitado ni Auntie.

Bumalik akong muli mula sa pagkakahiga sa aking kama at dinampot sa aking side table ang aking cell phone. Pagbukas ko pa lang niyon ay sunod-sunod na ang dating ng mga mensahe mula sa aking malalapit na kaiabigan at ka-eskwela. Isa na ang mensahe ni Menchie na una kong binabasa.

Ilang beses akong umiling pagkat puro tungkol sa love life ang wish niya sa'kin para sa aking kaarawan. Gayon din ang ilang mensahe na natanggap ko mula sa kaibigan. Nakatanggap din ako ng pagbati mula kay Jonas at sa ilan pang kaibigan at kaklase.

Ngunit ang mensahe na nagpalakas ng kabog ng aking dibdib ay ang mensahe ni  Ellwood. Parang gusto kong lumundag sa kama kasabay nang paglundag din ng aking puso sa tipid ngunit makabuluhan niyang mensahe para sa'kin.

"Happy Birthday, Sweetie. I wish nothing but the best for you. And I'm excited to see you and spend the night with you. . . Love, Ellwood."

Hindi napigilan ang pamulaanan ng mukha at kiligin nang mabasa ko ang mensahe niyang 'yon. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama at niyakap nang mahigpit ang aking unan.

Kung kanina'y matamlay ako't walang gana nang sumilip mula sa bintana, ngayo'y tila puno ako ng gasolina at alive na alive dahil sa natanggap na mga mensahe.

Bumaba ako sa may komedor upang mag-almusal. Agad kong namataan doon si Iverson na sinisimulan nang kumain. Wala doon si Auntie pagkat abala ito sa pagmamando sa mga tauhan sa labas. Hindi ko rin namataan si Dolfo.

Tahimik naman akong naupo sa kabiserang silya at sisimuan na sana ang pagkain nang magsalita si Iverson.

"Mukhang maganda ang gising mo, ah? Dahil ba birthday mo ngayon?" biro niya sa'kin na tila gusto ng magaan na almusal sa pagitan naming dalawa.

"Obviously yes!" Hindi ko na napigilan ang matamis na ngiti nang maalala ang mensahe sa'kin ni Ellwood.

"Dahil din ba dadalo sa pagtitipon mamaya si Jonas?"

Kumunot na ang noo ko sa kanya. "Kalan kapa naging intresado sa personal kong buhay?"

Nakita kong nagkibit balikat lamang ito matapos ay itinuloy na ang pagkain. Gayon din ang ginawa ko, pagkat ayokong simulan ang araw ko na mainit ang ulo kaya't hindi ko na lang inintindi ang kaniyang mga sinabi.

Tumayo na rin ako agad upang silipin sa labas ang paghahandang ginagawa nila sa pangunguna ni Auntie Celeste. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at umiling. Alam ko naman na puro pakitang tao lang ang ginagawa n'ya lalo pa at dadalo ang mga bigating business partners ng kompanya.

Bumalik ako sa aking silid at nagbihis ng pantalon at simpleng T-shirt at maong na jacket. Sinuot ko rin ang aking itim na boots at naghanda para mangabayo. Plano ko rin punatahan ang lugar kung ako dinala noon ni Tata Teban. Gusto kong alamin kung ano ang meron doon at kung bakit naka-lock ang isa sa mga silid na naroon.

Dumiretso ako sa may kwadra kung saan naroon ang kulay itim na kabayong si Stallion. Ito ang isa sa mga paboritong kabayo ni daddy na siyang palagi niyang sinasakyan. 

"Aalis ho kayo? Saan naman ang punta n'yo?" Tila may pag-aalala sa tinig ni Tata Teban nang hilahin ko na palabas si Stallion.

Pansin kong naroon rin mismo si Dolfo na kausap ang ilang tauhan sa hacienda. Alam kong nakikinig ito sa usapan namin ni Tata Teban kay't sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig n'ya.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon