Kabanata 12

3.9K 207 21
                                    

Kabanata 12

School

After that heated incident happened at the beach ay hindi na muli kami nagka-usap ni Ellwood.

Marahil siguro ay umiiwas siya, o talaga lang na busy ito sa trabaho.

Madalang na rin itong umuwi sa Villa. Mas madalas raw ito sa City sa Queensland. Kung minsan pa nga ay nasa laot at patungo namang Maynila.

"Next week na ang simula ng school year, ah? Hindi kaba talaga dito mag-aaral?" tanong sa'kin ni Issay.

Pinapanood ko ito habang nagbabalat ng kamote na gagawin naming kamote-cue para sa miryenda. Umuwi si Manang Gloria sa bahay nila para dalhin dito ang iba niyang damit at para mamili na rin sa palengke.

"Hindi muna siguro, baka sa susunod na school year nalang. Wala rin kasi akong maipapakitang mga documents kung sakali."

Tumaas ang tingin nito sa'kin na tila labis na ang pagtataka kung bakit tila may inililihim ako.

"Diba nga lumayas ako sa amin? Nandoon lahat ng mga importanteng gamit ko."

"Bakit kaba talaga naglayas? Inaabuso kaba ng magulang mo? Sinasaktan?" walang muwang niyang tanong.

"Ulila na akong lubos," mahina kong sinabi.

Siguro dapat ay sabihin kong wala na talaga akong pamilya para tigilan nila ang kakatanong tungkol sa mga magulang ko.

"Naku, pasensya ka na ha! Buong akala kasi namin may pamilya kapa."

Ngumiti ako dito para ipakitang ayos lang sa'kin. Tutal ako naman itong naglilihim sa kanila ng totoo kong pagkatao.

"Eh, paano na 'yan ngayon? Mas mabuti ngang dumito ka nalang at mag-aral. Tutal kayang kaya kang buhayin ni Kuya Ellwood."

Tumikom ang mga labi ko nang maalala ang eksena namin sa dagat. Ilang gabi rin akong hindi pinatulog ng pangyayari na iyon.

I loved the way he touched me and he how smiled at me. Pati na rin kung paano niya ako tingnan na parang gusto akong lusawin.

Pero hindi na ako dapat magtagal pa dito. Kailangan ko nang bumalik sa San Marcelino sa lalong madaling panahon.

"Huy, nakikinig kaba?"

Agad akong kumurap at hinawi ang bumagsak na hibla ng buhok sa pisngi na nag-iinit.

"I-I need water.." Tumayo ako't tumungo sa refrigerator para lumagok ng malamig na tubig.

Pumikit ako para iwaglit ito sa isipan ko. Maybe I was just fascinated by his looks and how he treated me. Nothing is too special about him.

He's too old for me, hindi rin magandang pag-isipan ko ng malisya ang ginagawa niyang tulong sa'kin.

"Kuya Ellwood!"

Nanigas ako mula sa pagkakatayo nang marinig ang sinabing iyon ni Isay.

Humigpit din ang hawak ko sa baso at pilit na kinakalma ang sarili bago tuluyang humarap sa mga ito.

"Gagawa kami ni Venice ng camote cue," ani Isay na sa hinihiwang kamote na nakatuon ang pansin.

Ako naman ay sandaling hindi umalis sa pagkakatayo dahil sa pagsulyap nito sa akin.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon