Kabanata 22

2.2K 130 12
                                    

Beach

Bumalik na kami sa pareho namin suite. His suite is right beside mine. So, hindi ako mangagamba kung sakali at kampante sa suite ko.

Sinuot ko ang binili ni Ellwood na bikini top para sa'kin at saka gumamit ng see through cardigan para itago sa init ang balat.

Ipinusod ko nang mataas ang buhok ko matapos ay nag-apply na ng sunblock at handa na sa pagligo.

Hindi ko na kinatok si Ellwood dahil baka nagpapahinga ito. Bumaba na ako sa lobby para diretso sa beach.

Maluwang ang ngiti kong nilakad ang kahabaan ng sea shore at damhin ang masusutlang butil ng buhangin sa aking paanan.

Pinili kong maupo sa isang lounge sa ilalim ng palm tree at pinanood at tahimik na paghampas ng alon sa dagat.

May ilan ding grupo na umagaw ng pansin ko. Ito ang grupo nina Barbarra ba nakilala namin kanina.

They're having fun while riding the banana boat. Ngayon ay may kasama na silang mga lalaki na tiyak na nakilala lang nila dito.

Umiiling na bumaling na lang ako ng tingin sa malayo. Halos lahat ay nag-e-enjoy na sa paglangoy. Dapit hapon na kasi at wala nang ganong araw. Kaya't naisipan kong bumangon at iwan sa lounge ang suot na cardigan para takbuhin ang dagat at magbabad.

Napatili ako sa malamig na tubig pero mas ginanahan akong lumangoy sa mababaw lang na bahagi ng dagat. Kapag masyado nang malalim ay hindi ko na alam kung tatagal ako kaya nagkasya na lamang ako sa pangpang noong manawa. 

Habang abala sa pagmumuni-muni at paglalaro sa buhangin ay bigla akong napapikit nang may magsitakbo mula sa aking likuran, maghabulan at magbasaan ng tubig.

'Ay, ano ba dahan-dahan naman kayo!" Hinilamos ko ang basang mukha gamit dalawang palad.

"Sorry, miss." Humarap sa akin ang isang lalaki habang bakas sa labi ang maluwang na ngiti.

Biglang umawang ang mga labi ko nang makilala ang lalaki.

"Ikaw?!"

Napatayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap ito.

"What a small world." Nakapamewang pa ito sa'kin na tila hindi rin makapaniwala nang makita ako.

"Jonas kilala mo?" Lumapit ang kaninang hinahabol niyang lalaki para makipagbasaan dito.

"Not really."

Bumaba ang tingin niya sa bracelet na suot ko. Ang balak ko sana ay iregalo ito kay Menchie pero balak ko na lang siguro siyang ibili ng bago.

"Hi, I'm Jonas." He held his hand on me. May ngit rin sa mga labi nito habang hinihintay na abotin ko ang kaniyang kamay.

"Venice..."

 "Hmm... bagay saiyo ang bracelet." Itinaas din nito ang kaniyang braso para ipakita sa akin ang suot niya.

Agad nanaglikot ang mga mata ko at umiwas ng tingin. Binawi ko rin ang kamay mula dito.

"Salamat pala sa dito, babayaran naman kita."

Nakita kong umangat ang labi nito sa aking sinabi. "I said it was gift for you."

Umismid na ako dito. Basta gusto ko pa rin siyang bayaran para sa bracelet na ito.

"Are you on vacation?" 

Bumalik ang tingin ko dito. Halata naman na ayaw pa niya akong iwan at gusto pang makipagkwentuhan. Sinulyapan ko muna ang kasama niyang lalaki kanina. Nagsimula na itong lumayo at lumangoy na mag-isa sa tubig saka ko ibinalik ang pansin kay Jonas.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon