Kabanata11

3.9K 203 19
                                    

Kabanata 11

Drunk

Buong akala ko'y sa opisina lamang kami mag-uusap ngunit lumabas kami at inutusan niya akong sumakay sa kaniyang kotse.

Tahimik lamang ako habang daan. Magkasalikop din ang aking mga palad sa ibabaw ng aking mga hita.

My heart beat so fast, katulad ng mabilis nitong pagpapatakbo. I knew he's drunk, bakas kasi ang pamumula sa leeg at pisngi nito.

"Saan ba tayo pupunta?" I finally had the courage to speak.

Nasagot ang mga tanong ko nang tumigil kami sa gilid ng kalsada. Ilang hakbang nalang ay mararating mo na ang dalampasigan.

Umangat bigla ang likod ko sa car chair at sinilip ang tahimik na dagat.

Ito yung dagat na nasa likod ng Villa. Pantaha ko'y isa itong private resort dahil isolated ang buong lugar.

"Dito makakapag-usap tayo ng tahimik at walang istorbo," aniya bago patayin ang makina.

Istorbo? Sino naman ang sinasabi niyang istorbo?

"Si Pia? Hindi kaba n'ya hahanapin?" Puno ng kuryosidad kong tanong.

"Uuwi iyon kapag nalamang umalis ako." Binuksan na nito ang pinto at lumabas.

Mabilis akong sumunod dito na siyang tinatahak ang isang bungalow na moderno ang pagkakagawa.

"This my personal place.. Dito ako madalas kapag umuuwi galing byahe." Sumulyap ito sa akin bago hilahin sa kaniyang bulsa ang susi.

"Ako lang ang tao dito, come on in." Tuluyan na itong pumasok sa loob.

Kung tutuosin ay malapit lamang ito sa Villa, ilang hakbang lang. Gaano ba ka dami ang property n'ya? Gaano ba siya kayaman?

I gaze around the house. It is modern and stylish looking bungalow. Pansin kong simple at malinis ang loob, maluwang ang espasyo dahil sa kakaunti lamang ang gamit. Tamang-tama lang kung magbabakasyon ka at gusto mong mag-relax.

Nilingon ko si Ellwood na may dalang bote ng wine at isang baso. Lumabas ito at piniling maupo sa may terasa kung saan abot tanaw mo lang ang dagat. I follow him outside and sit opposite to him.

I have to tell him the truth, siya nalang ang pwede kong pagkatiwalaan sa ngayon at sa tingin ko naman ay maniniwala siya sa 'kin.

"Kung gusto mong tulongan kita sabihin mo sa'kin ang totoo.." umpisa nito bago buksan ang bote ng wine.

Pinanood ko muna siyang isalin ang likido sa baso at tinikman bago lumingon sa 'kin.

"They accusing me for killing my father." Panimula ko.

Hindi na ito nagulat pero sa tingin ko'y hindi ito makapaniwala na pwede ko ngang gagawin iyon sa Ama ko.

"My Auntie Celeste and his partner Dolfo, planned that murder at na-set-up lang ako."

Tahimik nitong nilapag sa lamesa ang baso ng alak ngunit hindi inalis ang hawak doon.

"Hindi ko kailan man naisip na pinagplanuhan din nila ang pagpatay sa mommy ko.." My voice already cracked, hindi na napigilan ang emosyon.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon