Kabanata 37

1.6K 33 12
                                    

 KABANATA 37

Secret Room

Ilang segundo lamang ay lumayo agad ako at inayos ang sarili.

"A-anong ginagawa mo dito?" bulong ko.

"I should ask you the same question. Akala ko dumiretso ka sa tree house," aniya na hindi inaalis ang tingin sa'kin. Sa tono ng pananalita niya ay tila galit ito sa ginawa ko.

"Gusto ko lang sanang magpunta sa bungalow," mahina kong sagot.

Matapos ay sumulyap sa grupo nila Dolfo. Tinatangka na ngayon buksan ng mga tauhan niya ang pintuan.

"What are they doing here?" tanong niya na siyang nakila Dolfo na ang buong pansin.

Sunod-sunod naman akong umiling. Wala din akong ideya kung bakit nandirito sina Dolfo.

Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan nang nabuksan ng mga ito ang pinto.  Kahit pa gustuhin kong pigilan ang mga ito ay wala akong lakas ng loob. Hindi ko maintindihan ang sarili. Buong akala ko ay kaya ko na silang harapin ng buo kong lakas ngunit bakit natatakot ako?

"Just don't make sound," bulong sa'kin ni Ellwood.

Mabilis nitong kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa at inumpisahang i-video ang mga ito.

Narinig ko kung paano nila hinalungkat ang bahay at nagbasag ng gamit doon na siyang nagpapikit sa'kin ng mariin. Hanggang sa marinig kong pilit nilang binubuksan ang nakasaradong pinto doon.

"Boss, mukhang malabo natin mapasok ang silid na 'yon!" sigaw ng isa sa kaniyang mga tauhan.

Naalala ko nang huling punta ko doon ay naka-lock nga ang huling pinto doon. Marahil ay ang nakasaradong pinto na iyon ang pinunta nila sa luagar na ito.

"Balikan natin bago pa nila malaman nilooban ang bahay, at magdala  kayo ng mga gamit upang mabaklas ang pinto na 'yan. Kunin ang pwedeng mapakinabangan at pwedeng gawin ebidensya sa atin!" utos ni Dolfo sa kaniyang mga tauhan.

Muli akong nakarinig ng mga ingay at pagkabasag ng ilang mga gamit sa loob.bago ko marinig ang mga yabag nila palayo.0

"Wala na sila," ani Ellwood.

Sa puntong 'yon na n'ya ako binitiwan. Mabilis akong umalis sa pinagkukublihan upang siguraduhing wala na nga sila.

Malalaki ang hakbang na pinasok ko ang loob ng bungalow upang magulat sa naging itsura nito. Halos wala nang mapapakinabangan sa mga nabasag na gamit. Maging ang ilang gamit sa may kusina ay halos ubos.

Nanlulumong naupo ako sa isang sofa habang unti-unting nawawalan ng lakas.

"Hanggang kailan ba nila gagawin ito sa amin? Ano pa bang gusto nila?!" Tuluyan na akong napahagulgol.

Sobrang sakit lang na kahit nasa libingan na si dad ay hindi pa rin nila ito pinapatahimik.

Naramdaman ko ang pagdampi ng mainit na kamay ni Ellwood sa aking balikat. Maging ang paghagod n'ya sa akin sa likod.

"Sssh, hindi rin magtatagal matatapos din ang lahat ng ito," he whispered. 

Napapikit ako nang hagkan n'ya ang puno nang aking buhok at kinulong ako sa kaniyang malapad na mga bisig. Hindi ko naman napigilang mapasinghap sa natural niyang amoy at sa matigas niyang dibdib.

Naramdaman kong unti-unting humupa ang sakit sa aking puso. Pinahid ko na rin ang aking mga luha.

"Kailangan natin maunahan sila Dolfo na buksan ang pintong 'yan. Tiyak na may hinahanap sila kaya nila pinasok ang bungalow," ani Ellwood.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon