Kabanata 10

3.8K 186 12
                                    

Kabanata 10

Nightmares

Malalakas na sigaw ang pumukaw sa'kin habang mahimbing na natutulog.

Mabilis akong bumangon at sumilip sa may bintana. Mula dito ay tanaw kong bukas ang ilaw sa kamalig. Maingay din ang mga kabayo kaya tiyak na may tao doon.

Napakislot ako nang makarinig na may nabasag na kung ano sa ibaba. Agad na gumana ang utak ko, baka may magnanakaw.

Ginawa ko ay hinila ko ang roba para suotin at mabilis na bumaba sa hagdanan.

"Dad?" tawag ko.

Ngunit patay ang ilaw sa buong salas kaya minabuti kong tukuyin kung saan nanggagaling ang ingay.

Sa opisina ni Daddy ako dinala ng mga paa ko. I stood still on my feet because of fear. Baka nga may magnanakaw.

"Pagkatapos ng ginawa ko saiyo, ganito ang igaganti mo sa'kin?!" Narinig kong sigaw ni Daddy.

"Alam mo kung bakit? Dahil sawa na akong maging sunud-sunuran sa mga gusto mo! Pati si Celeste ay sawa na rin sa pagiging sakim mo!"

Natutop ko ang bibig nang makilala ang boses ni Dolfo.

"Ano gusto mong gawin ko? Ibigay sainyo ang para sa anak ko? Hindi ako makapapayag! Dadaan muna kayo sa ibabaw ng bangkay ko, bago n'yo iyon magawa!"

"Kung todasin na kita ngayon! Tutal ay madali kong nadispatya ang asawa mo noon kaya hindi malayong gawin ko rin iyon saiyo! Matagal-tagal pa ang dalawang taon para maging lehitimong tagapagmana si Venice! Sapat na ang panahon na iyon para malipat sa amin ang mga pera at ari-arian na dapat ay kay Celeste, una palang!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Si mommy? Siya ang pumatay kay mommy? How could he did that to us? Tinuring namin siyang pamilya. Kahit pa malayo ang loob ko sa kanya ay hindi ko kailan man naisip na gagawin n'ya ito sa amin!

Hindi na ako nagdalawang isip pa kaya Itinulak ko pabukas ang pinto at nahindik sa nadatnang ayos ni daddy.

"D-dad.." Garalgal ang boses ko nang makita itong nakahandusay at puno ng dugo at pasa ang mukha.

Tumakbo ako dito at niyakap siya ng mahigpit. Unti-unti nang naipon ang mga luha sa mata ko habang nakatingala dito.

"Venice, tumakbo ka na hija. Humingi ka ng tulong!" Sigaw ni daddy sa'kin.

Ngunit hindi ko magawang kumilos dahil nakatutok dito ang baril na hawak ni Dolfo.

"Hayop ka Dolfo! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa amin!" sigaw ni daddy.

Humalakhak ito matapos ay mabilis na itinutok sa akin ang baril.

"Eh, kung itong anak mo nalang kaya ang unahin ko?!"

Mabilis ako nitong hinila at sinakal gamit ang mga braso. Dinildil nito sa sentido ko ang baril kaya hindi ako nakapalag.

"Hayop ka Dolfo!" Pagpupumiglas ko.

"Huwag ang anak ko parang awa mo na!" Nakita kong bumuhos ang mga luha ni Daddy. Lumuhod din ito sa aming harapan at nagmamakaawang huwag akong saktan.

"Daddy.." Basa na ng mga luha ang mukha ko. Sobrang nasasaktan akong makita siyang ganito.

For all of the people na pwedeng gumawa sa amin nito bakit sila pa? Bakit?

"Pakawalan mo ako Dolfo! Walang hiya ka!" Tinadyakan ko ang paa nito kaya  lumuwang ang hawak n'ya sa 'kin. Naging daan iyon para makawala ako.

Sinunggaban agad ni Daddy si Dolfo at pilit inagaw dito ang baril. Tila nanigas ako sa pagkakatayo habang pinapanood silang magbuno.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon