Kabanata 33

2.6K 98 6
                                    

Kabanata 33

Birthday Gift

"Are you sure you really want to do it right now?" Ellwood asked me with furrowed brows.

Mabilis na lumipad ang tingin ko sa lamesa nina Auntie Celeste, kasama nito ang asawang si Dolfo na siyang abala sa pakikipag-usap sa mga negosyanteng bisita.

Kung pwede ko lang sanang komprontahin ang mga ito ay ginawa ko na ngunit wala pa akong kongkretong ibidensya na magtuturo na sila nga ang pumatay kay daddy.

Pumikit ako nang mariin at yumuko dahilan upang humilig ako sa balikat ni Ellwood. Huli na para umiwas dahil hinapit niya ang likod ko palapit pa sa kaniya.

Tumingala ako sa kanya at sinalubong ang seryoso niyang mga titig. Ellwood stroke my flushed cheek, causing my body to flinch.

"Can we instead have a good time? I want you to enjoy your birthday," he whispered softly.

Because of his intense gaze, my eyes sparkled and my heart thumped hard. Tila nawala saglit sa isipan ko ang tungkol kina Auntie Celeste at Dolfo.

I smiled and nod. Mas mabuti ngang huwag muna akong gumawa ng eksena ngayon dahil hindi rin biro ang mga bisitang nandirito. Baka lalo lamang lumala ang lahat at pwedeng baliktarin nila ang sitwasyon kung padalus-dalos ako.

Isa pa, ito na ang pagkakataon ko upang makilala ang mga business partners ni daddy at ang ilan niyang negosyo na hindi ko pa masyadong gamay. Idagdag mo pa na nandito si Ellwood para ako paalalahanan.

Ilang sandali pa ay tinapos na namin ang sayaw. Sa lamesa ako ni Ellwood dumiretso kung saan sinabayan n'ya akong kumain. Iyon nga lang ay halos hindi kami makakain ng maayos pagkat panay ang lapit ng mga bisita para ako batiin at maging si Ellwood ay binabati nila.

May ilan pa ngang nagtatagal sa aming lamesa para lamang kamustahin siya at ang mga business niya. May ilan na may bitbit pang proposal speech para lamang makipag-partner dito..

Ngunit isa sa mga iyon ay lantaran niyang tinanggihan. Kahit pa mga babae na halatang may sinabi sa lipunan.

"You don't have to do that," hindi ko na napigilan pang magkumento nang ihatid ko ng tingin ang kaalis lang na babae. Isa itong sikat na modelo at nagtatayo ngayon ng pangalan sa fashion industry na gustong makipag collab sa kanya ngunit tinanggihan n'ya.

"Why not? Pumunta ako dito para um-attend ng birthday party at hindi para makipag negosyo." Gumawi pa ang tingin n'ya sa'kin na siyang umangat ang isang gilid ng  labi.

Mabilis akong umiwas ng tingin dito at inabal ang sarili sa pagkain. Hindi ko kasi matagalan ang maiinit niyang mga tingin sa'kin.

Mabuti ay lumapit sa akin si Menchie upang batiin ako at ayain sa lamesa nina Jonas.

"Halika ka na doon, may special gift daw saiyo si Jonas!" aniya na maluwang ang ngiti.

Alangan naman akong sumulyap kay Ellwood na siyang tumango lang sa'kin. Alam kong gusto n'ya akong mag-enjoy ngayong birthday ko pero mas masaya siguro kung siya ang makakasama ko.

I pout my lips with disappointment. Gustohin ko man na makausap pa siya ng matagal ay hindi maari dahil marami pa akong bisita na kailangan harapin.

"Just enjoy the rest of the night with your friends," he whispered to my ear.

Agad na namula ang dalawang pisngi ko bago tumingala dito. I really wanted to tell him that he is enough, but I couldn't.

Kung hindi ko lamang narinig ang mga tukso sa amin ni Menchie ay baka hindi ako matatauhan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila na dito.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon