Kabanata 6

4.5K 238 22
                                    

Kabanata 6

Safe Haven

Sakay ng kaniyang sasakyan ay tahimik lamang akong nakamasid sa nadaraanan naming siyudad. Umayos lamang ako ng upo nang pumasok kami sa isang tila liblib na lugar.

Matapos madaanan ang hilera ng mga bukirin at tubo ay tumambad na sa amin ang beach. Umangat na ng tuluyan ang likod ko sa backrest at nilapat ang mga kamay sa tinted na bintana.

May dagat din sa San Marcelino pero kakaiba ang isang ito. Madalang lang ang tao at halos mag kulay gatas na sa puti ang buhangin. May mga rock formation din sa malayo.

"Isn't beautiful, right?" he cracked the silence between us.

"Wonderful," I uttered.

"Malapit lang dito ang bahay na titirhan mo pansamantala. Don't worry mababait ang mga tao dito."

Bumalik akong muli sa pagsandal at sinulyapan ito habang nagmamaneho. Hindi ko mapigilang tanongin sa sarili kung bakit niya ba ako tinulongan? Hindi biro na idamay ang sarili niya sa sitwasyon ko. Kahit pa sabihin kong wala akong kasalanan ay hindi pa rin iyon sapat para tulungan ang isang kagaya ko.

"What is it? May dumi ba ako sa mukha?" He glance back at me with a soft smiled on his face.

Agad akong nataranta at binalik ang pansin sa labas ng bintana. Mariin kong nakagat ang labi dahil nahimigan ko ang tipid nitong tawa.

"Salamat," Bumalik ang tingin ko dito, "Salamat, sa mga naitulong mo, pangako pag naging ayos na ang lahat babawi ako saiyo." seryoso ko nang sinabi.

Isang ngiti muli ang pinakawalan nito na nagpasikip na ng tuluyan ng aking puso.

"Maybe a dinner treat would be enough."

Napalabi ako at muling nag-iwas ng tingin. Dinner treat? Sounds fun!

"Ellie!" Isang matandang babae ang kumakaripas patakbo dito nang makababa kami ng sasakyan.

"Manang Gloria!" Niyakap nito ang matanda bilang pagbati.

"Aba't napasyal ka yata. Wala ka pa ring pinagbago. Mas lalo ka pa ngang gumwapo ngayon, apo!"

Huli kong kumamot ito sa kaniyang batok dahil sa papuri ng ginang dito.

"Oh, may bisita ka pala?" Ang tinging binato sa akin ng ginang ay tila hindi lo masuklian.

Napatuwid naman ako ng tayo nang akbayan niya ako para lapitan si Manang Gloria.

"Oho, 'nang. Si Venice ho."

Nilahad ko dito ang aking kamay para sana mag mano ngunit labis ang gulat ko nang yakapin ako nito.

"Naku, napakagandang dilag naman nitong kasintahan mo!"

My cheeks turns red and my lips trembled a bit. Mabilis akong kumalas dito at yumuko.

Tumawa lamang si Ellwood dito bilang sagot habang ako ay tinapunan ito ng tingin na may pagtatanong.

"Ang mabuti pa ay pumasok na kayo, tutal e, nakahanda na rin lang ang tanghalian." Nauna na itong pumasok sa loob ng bahay.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon