This is my heaven and my doom.

"May tiwala ka ba sa akin?"

He asked. I pulled away from his embrace and regretted it not long after seconds have passed.

I blinked. "Yeah?"

Sumimangot siya. "Ba't parang 'di ka naman sigurado?"

"No. But I believe in you."

Nagtaas siya ng kilay. "Pareho lang naman 'yan?"

Umiling-iling ako at tuluyan nang dumistansya nang kaonti sa kanya.

"Marami pa akong 'di alam sa 'yo. Pero sa oras na handa ka nang magsalita, I will believe all of you."

Hindi siya umimik. Bagkus ay tinitigan niya lang ako nang matagal bago siya bumuntong-hininga at nilagay sa mga bulsa ng kanyang maong ang dalawang kamay.

"Sana nga." Ngumiti siya.

I had no clue then. Hell, I thought I knew everything in the dark. After all, it is my very home. I have visited its corners, its every twist and turn. But the dark will always keep something I will never know.

I glanced at my mom's private office door. Pumasok silang dalawa ng lalaking may dalang folders at briefcase. I couldn't let myself in. Nagkalat ang kanyang mga tauhan sa labas.

Is it for the campaign? Is it for the mayoral position? In the end, I just sighed and went downstairs.

Naabutan ko si Ate na tulala malapit sa kitchen counter. Nang mamataan niya ako ay agad na umaliwalas ang kanyang mukha.

"Coffee?" Aniya sabay taas sa basong hawak.

Hindi ako tanga para hindi mapansin ang palagi niyang pagkakabalisa nitong mga nakaraang araw. Ang tanging nagpipigil sa akin para tanungin siya sa kung ano ba talaga ang nangyari noong isang linggo ay ang sinabi ni Kuya noon.

"If she wants to talk, let her. Don't force her, Yna."

And I did try my best to hold on to it. But God knows how impatient I'm getting at this point.

Tumango lang ako at dumiretso sa coffee maker.

"Ano 'yon?" Pasimpleng turo ko sa office ni Mommy.

"Ah, I don't know," hinawi niya ang kanyang buhok. "It's probably about the mayor thing. You know naman na na-postpone ang elections."

Yes. The elections were postponed dahil ni-review ang budget allocation. Kaya naman, abala pa rin si Mommy hanggang ngayon sa mga huling proyekto at mga papeles na kailangan niyang asikasuhin bago matapos ang termino niya ngayong Hulyo.

Tumango lang ako ulit at kinuha na ang kape bago magsalin ng gatas. Ramdam ko ang titig ni Ate sa akin.

"Hindi mo pa rin kinakausap si Mommy, Yna?"

"What for?"

Umirap siya. "I don't get it. Kung may nakakaintindi man kay Mommy nang lubusan dito, ikaw 'yon. But now you're acting up."

I raised my brow. "You really don't have to understand it, Ate."

"Yna, if this is about—"

"Last time?" Putol ko sa kanya, "it's alright. Sabi mo naman ayos ka na 'di ba? So wala na 'yon."

Sumimsim ako sa kape at humilig sa kitchen counter habang pinagmamasdan ang pagyuko niya. Say it, Ate. Just tell me!

"I just hope you fix whatever it is between you and Mom. This is crucial for her. We need to be there for her."

A Day in the Night SkyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora