Chapter Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

"What's this? Garlic rice?" Tanong ni Eshe.

"Ahmm, yeah. Sinangag in tagalog." Sagot nito. "Noong buhay pa si Mama ganito madalas ang almusal namin eh. Tapsilog, longsilog, bacsilog. Basta Filipino breakfast." At saka hinango na ang bacon na niluluto. "I stopped eating this when she died. Ngayon lang ulit dahil nasa mood ako." Na ngumiti pa sakanya.

Kaya pala madalas, kung hindi English breakfast ang nirerequest nito sa umaga kapag nasa office sila, ay American breakfast naman. Ngayon lang niya makikitang kakain ng kanin ang amo niya.

"Mukhang masarap." Sabi niya na natatakam nang tikman ang luto nito.

"Masarap talaga." Na hinila na siya para umupo sa isa sa mga high chair doon sa may kitchen counter. "Dito na tayo kumain dahil tayong dalawa lang naman ang narito. Si Papa doon na sa hotel nagpalipas ng gabi dahil masama ang loob sa nangyari kagabi. I wonder who would do that to our garden." Habang pinaglalagyan siya ng pagkain sa plato bago umupo sa tabi niya.

Sumubo na muna siya at nasarapan nga siya sa luto nito. Hindi rin kasi siya sanay kumain ng kanin sa umaga dahil hindi naman siya nasanay na sa pagkaing Pinoy.

"I came across the offenders last night." Panimula niya habang tinatantiya ang nga sasabihin. "Someone paid them to do it but they didn't know who it was. The client remains private and there's no single information about who it is."

"You really did catch up to them, huh?" Hindi makapaniwalang sagot sa kanya. "What happened last night? Did they hurt you? Asan na sila ngayon? They should be locked up in jail for what they did. Baka mamaya nagsisinungaling lang sila kaya kailangan ipa-imbestigahan natin sa mga pulis para mapa-amin-"

"I took care of it." Putol niya sabay subong muli sa pagkain. "And they really didn't know who ordered them to burn those flowers." At siya naman ang naglagay ng pagkain sa plato nito. "You should eat. Ang sarap pa naman ng luto mo."

Saglit siyang pinakatitigan ng binata bago sumunod sa kanya at nagsimula na sa pagkain. Naubos din nila ang lahat nang niluto nito hanggang sa maabutan sila roon ni Marcel.

"How's the investigation doing?" Tanong ni Dev sa ama.

"They are still trying to track down the suspects but still no luck finding them." Sagot ng matandang lalaki na saglit tumingin sa kanya na para bang may ibig sabihin iyon.

Tumingin din sa kanya ang binata na para ding may nais sabihin ngunit hindi naman nagsalita pa.

"I'll take care of the dishes here, you go and visit the lodge." Presinta niya bago tumayo at isa-isang pinagkukuha ang mga plato at nilagay sa lababo.

"Okay, I'll be back later." At saka lumabas na sa may kusina ang binata.

Pinakikiramdaman lang ni Amethyst ang paligid at alam niyang matamang nakatingin sa kanya ang matanda.

"Why do they need to burn those flowers?" Biglang untag sa kanya. "Was that a warning for you? They could've just sent you a death threat or whatever instead of setting the garden on fire." Ramdam niya na parang sinisisi siya nito sa nangyari kagabi.

"I don't know why they did that." Sagot niya habang patuloy pa din siya sa paghuhugas.

"They were here for you, to give you a message, to threaten you. But they had threatened us too and I won't just sit around and accept what happened." Doon siya napalingon rito. "They need to pay!"

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon