Kabanata 4

11 2 0
                                    

Approved

Matapos ang prom bumalik na ulit sa dati. February 14, 2014, Friday yun at dahil wala naman kaming pasok ng weekends nakapagpahinga talaga kami ng maayos.

"Tahariiii!" Tawag ni Jane sakin ng makita ako sa hallway.

"Oh bakit?" Tanong ko nang sabay na kami maglakad papasok sa room.

"Hiningi ko number ni pretty boy!" Mahina at masaya niyang sambit sakin.

Umupo naman ako sa pwesto ko at dahil 7:30am palang, kaunti palang kami nandito sa room.

"Eh? Bakit?" Taka kong tanong sakanya, magkatabi na kaming nakaupo

"Nagkakatext kami" nakikinig lang ako sakanya. "at tinatanong ka niya!"

Bigla naman ako natigilan. Naalala ang sinabi niya sakin nung prom, na siya ang una't huling kasayaw ko ng araw na yun. tumahimik nalang ako at ngumiti sakanya ng sabihin niya yun. Hanggang iannounce kung sino ang prom queen at king, tahimik lang kaming dalawa sa table. di rin ako tumitingin sakanya, ewan ko ba kung bakit, pero naiilang ako. Hays!

"Ano naman pinag-usapan niyo?" Tanong ko kay Jane.

"Wala naman. Tinanong ko nga siya kung may girlfriend siya." sagot sakin.

"At nagkaroon siya ng isang girlfriend kaso niloko siya nito, kaklase pa nila yung girl."

"Ah" sambit ko, wala naman akong pakialam at di ko pa naman nararanasan magkaboyfriend in person. That means, ang mga nagiging boyfriend ko palang ay galing sa mga group messages sa clan sa cellphone at dun ko din sila nakilala dahil uso ito. Ayoko din naman sa personal dahil natatakot ako, mas okay na yung sa text lang. pero ngayon single ako dahil ang huling nakarelasyon ko nung last year, napakaimmature ng lalaking yun, gusto niya lagi siyang inaupdate sa mga ginagawa ko kapag hindi ko sinasabi nagagalit siya. Buti nalang di ko pa siya nakikita kaya nakapagbreak ako sakanya at nagpalit ng number.

"Sinabi ko sakanya, na ligawan ka niya." Bigla naman ako napahinto sa maghanap ng small mirror ko para tingnan ang itsura ko.

"Bakit?" Masungit kong sagot sakanya.

Kaibigan kita, pero wala kang karapatan magdesisyon para sakin. Lalo na kapag usapang lovelife ko na.

"Wala, sabi niya mukha ka daw mabait at tahimik." Tahimik lang naman ako kapag may ibang tao, dahil kinikilatis ko pa mga ugali nila.

"Hindi nila alam masungit ako." Bigla kong sabi sakanya.

"Ayun nga sabi ko!" Ngingiti ngiti pa siya sa tabi ko na lalong nagpairita sa paningin ko.

----

Dumaan ang isang linggo, at nastress ako sa hindi pagrereply sakin ni albert simula mangyari yun. Galit nga siya.. lagi kong hinahanap ang text messages niya sakin dahil nakasanayan ko na to sa loob ng isang taon. Namimiss ko na..

Napapansin ko din ang mga kilos ni Jane, nakikita ko sila minsan sa hallway ni Arjay magkasama at tumatawa pa! Ewan ko ba bat naiirita ako kapag nakikita ko silang masaya. Ang dami kong napapansin dahil siguro sa stress na binibigay sakin ni albert!

"T!" Biglang tawag sakin ni Rynna.

"Oh bakit?"

"Madalas namin makita si Jane na kausap si Arjay tuwing lunch at uwian." Bigla sabi ni kim na katabi niya.

"Oh?" Maikli kong sagot sakanila. Wala akong gana makipag-usap sakanila.

"Kung ako sayo, umeksena kana. Sayang si pretty boy!" Michaela habang inaayos ang gamit niya dahil uwian na namin, nauna umalis si Jane kaya wala siya ngayon.

Endless (On-going)Where stories live. Discover now