Kabanata 1

43 6 1
                                    

Arjay Barcelona

January na, kakatapos lang ng new year at inannounce na magkakaroon kami ng JS prom ULIT. 4th year nako ngayong taon at madaming mga kabatch ko ang nagrereklamo dahil kakatapos lang ng JS prom namin nong nakaraang taon at dapat kada 2 years pa ulit bago magkaroon ng prom.

Kaso ngayon hindi, dahil daw ito sa nirequest ng Apo ng May-ari ng school LDC (LA DIOR COLLEGE) na magkaroon na, nang kada year na JS prom.

"Kasalanan to ni Christofle!" Sigaw ng president namin na si Ella.

"Gagastos na naman tayo!" Aniya ni Danica

"Ang sabi dito sa LDC din gaganapin, sa court daw.  Hindi na katulad last year na sa PICC. para mura lang daw ang babayaran natin." Biglang nagsalita ang secretary na si Balen.

"Next week na malalaman kung sino mga partners natin!" Sigaw ni frank na kakapasok lang sa room.

"Tahari!" Biglang bati ni Rynna sakin pagkapasok niya sa room. Late na naman ito, as usual.  nagpapalate talaga siya kapag monday dahil ayaw niya umattend ng flag ceremony dahil nakakapagod daw ito. may exercise kasi after flag ceremony kapag naabutan kang late tatakbo ka sa buong court hanggang magsimula ang klase ng 8am at kapag naaabutan si Rynna ng guard sinasabi lang ni Rynna na may hika ito.
Kaso di siya nakakaligtas dahil kailangan mong ipakita na may medical cert ka. totoong may hika siya pero di tulad ng iba na maalala na kaunting hingal lang ay aatakihin.
Iyong sakanya hindi ganun. Kaya ang ginagawa niya lagpas sa 8am siya papasok o bago magsimula ang klase.

Ang pasok namin ay 8am. Kapag monday dapat nandito kana ng 7am para sa flag ceremony at matatapos ito ng mahigit 7:30am at ang natitirang oras nito ay para sa mga studyanteng late at tatakbo sila before 8am. kapag natapos sila at hindi ka kabilang doon. hindi kana tatanggap ng punishment dahil tapos na, dahil magsisibalikan na ang mga studyante sa room nang saktong 8am.

8:10am palang ngayon, kaya kakapasok lang ni Rynna.

"Hay nako! Nagpalate ka talaga! Ang daya mo!" Sabi ko sakanya sabag hampas sa  braso nito.

magkatabi lang kami ng upuan. Ang arrangement ng mga chairs namin ay ayon sa gusto mo o sinong gusto mo makatabi kaya halos lahat dito sa room ay magkakagrupo.

"Hindi mo tuloy naabutan yung announcement kanina na magkakaroon ulit tayo ng JS prom!"
Sabi ni kim kay Rynna.

Nasa second row kami at anim kaming magtotropa. Si kim, Jane, Bella, Michaela, Rynna at ako. Kami ang group dito na masasabi kong matured dahil wala kaming pakialam sa mga immature naming kaklase.
Kumbaga mga normal students talaga kami na kapag may assignment gagawin, kapag wala edi makikikopya hindi tulad nila na nagcocompete sa mga subjects at minsan mga bida bida. Tsk!
at di kami masyadong namomoblema sa mga bagay bagay katulad nang pinag-uusapan nilang prom.

"Huh? Magkakaroon ulit tayo ng prom?" Gulat na tanong ni Rynna ng nakaupo na "wala pa si mam?"

"Oo, magkakaroon ulit" sagot ni bella

"Wala pa si mam, late siguro." singit na sagot ni michaela.

"Bakit magkakaroon ulit tayo ng JS?" sabi ni Rynna habang nakatingin sa small mirror niya.

"Dahil daw kay Christofle! Nirequest" sagot ko sakanya. "alam mo naman, apo kasi,  kaya siguro pinagbigyan?"

"Wait? Christofle? Sino yun?" Bigla naman kami napahinto at tumingin kaming apat (Bella,Kim,Michaela at Jane) sakanya.

"Di mo kilala?" -Bella

"Sabi na e, di mo siya kilala" - sagot ko.

di na bago dahil si Rynna ang taong wala naman pakialam kung sino ang nasa paligid.

Endless (On-going)Where stories live. Discover now