Kabanata 13

3 0 0
                                    

Rassel

Ngayong araw ang kaarawan niya. Natandaan ko 'yon dahil nagtanong ako sa kanya noon. binati ko siya sa text message kahit hindi siya nagrereply alam kong nababasa niya.

Napagdesisyon kong pumunta ng mall. Alas singko na, ito ang oras na gusto kong maglakad dahil hindi mainit. Saktong may bibilhin din naman ako sa National bookstore at para na rin makalabas-labas ako dahil masyado na 'kong nagkukulong sa bahay simula mangyari lahat yun.

Mamaya, aaminin na ako kay albert, pinag-isipan ko nang ilang araw, mas maagang umanin na habang maaga pa. Bahala na kung rereplayan niya ko o hindi sa confession ko sa kanya..

Pagpasok ko sa mall at agad ko narinig ang Christmas song , september na. dumiretso naman ako agad sa foodcourt para mag restroom dahil ito lang ang may malapit na restroom dito.

Bigla ako huminto ng may nakita akong familiar na lalaki sa di kalayuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang huminto ang oras ng sandaling yun.

Kabisadong- kabisado ko ang tindig niya, mapalikod, side view, boses at mga tawa niya. Kilala ko.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita, matapos mangyari na nagalit siya sakin. Hindi na kami nagkita muli, kundi ngayon na lang ulit. Kaya labis talaga ako natuwa ng makita siya, kaya lang bigla din nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang kausap niya. Babae ito.

Tatlong buwan.. tatlong buwan kami hindi nagkita..

Hindi naging madali ang tatlong buwan sakin. Inaliw ko ang sarili ko kakanood ng k-drama at kakabasa ng ebook (wattpad) kahit hindi nakakaiyak yung pinapanood kong k-drama, umiiyak ako. Tuwing gabi gano'n ang ginagawa ko dahil tulog na mga kapatid ko ng ganong oras. May mga oras na gusto ko siyang itext kaso pinipigilan ko na huwag.. pero dahil sa pagkamiss ko sa kanya humahantong na, itetext ko parin siya kahit hindi siya nagrereply, okay lang.. kasi alam kong nababasa niya.

Naisipan ko na rin magpalit ng number. kaso magpapalit nga ako ng sim card kaya lang kabisado ko naman ang dalawang number niya. Kaya wala rin!

Napahinto ako ng makita siyang may kasamang babae sa di kalayuan sa kinatatayuan ko. namanhid ang mga paa ko, hindi ko magalaw dahil sa nakita ko. Masaya silang nag-uusap. Masaya siya, na wala ako..

Di niya ko nakita, dahil busy siya makipag-usap sa babae. Gusto kong igalaw ang mga paa ko at tuluyang umalis sa pwesto ko kaso, di ko magalaw.. biglang namanhid ito.
Bakit ko ba sinasaktan ang sarili ko para sa lalaking yan..

Ilang minuto ako nakatayo malapit sa kanila. Tumatawa silang dalawa habang kumakain. Tumingin ako sa likuran nila, nandoon ang restroom.

Pinilit kong igalaw mga paa ko dahil ayoko nang nakikita ko. Gusto kong umalis kaya lang ayaw ng mga paa ko.. hindi ko kayang makita siyang ganun kasaya.. na para bang hindi niya ako iniisip. Sabagay, ako lang naman ang nagmamahal sa'ming dalawa. Kaya ako lang din ang apektado sa lahat.

Tinangka kong igalaw mga paa ko at
Nag tagumpay naman ako, bibilisan ko sana ang lakad ko para hindi niya ko makita kaso naging mabagal lang ang mga hakbang ko papunta sa likuran nila. Shit! Ano bang nangyayari sakin!?

Pagkapasok ko sa cubicle umupo agad ako at nagbuntong hininga. Bakit ngayon ko pa sila makikita? Sino 'yong babaeng yun?

Parang ayoko lumabas! bawal naman ako tumagal dito sa loob dahil magga-gabi na. ilang buntong hininga pa ang ginawa ko para makalmahin ang sarili ko.

Ayokong lumabas, dahil once na lumabas ako baka makita niya ako at ipakilala sa babaeng yon..

Ilang minuto ako nagstay sa cubicle ng mahimasmasan ako ay lumabas na ako at dumiretso sa mirror na nandoon.

Endless (On-going)Where stories live. Discover now