Kabanata 25

4 0 0
                                    

Friendship over

"Nasaan ang iba?" Tanong ko kay cherry nang magkita kami sa waiting shed sa caloocan.

"Wala pa, hintayin na lang natin. Padating na daw sila." Sabi nito habang hawak ang cellphone.

Naisipan namin na pumunta ng taguig for the celebration of one of her friends na kaibigan ko din dahil sinasama nila ako minsan kaya nagkekwentuhan din kami, iyong tipong friends kaso pero di gaanong close.

"Oh, nandiyan na si zara." Napatingin naman ako sa titinitingan ni Cherry.

"Kayo pa lang? Di talaga maganda na nagkikita-kita kasi anong oras na dumadating iyong iba." Napailing siya.

"Hayaan mo na, okay lang. Sanay naman ako maghintay." Banat ko na kinatawa nila.

"Chat niyo na si marielle at jamiyah." Naiinip na sabi ni zara.

Kinuha ko ang color gold phone ko sa gray sling bag ko at nagsimula na magchat sa group chat namin.

"Si jamiyah nandito na." Naisend ko na bago sabihin ni cherry.

"Okay lang, si marielle na lang hihintayin natin." Sabi ko habang nakatingin kay jamiyah na anytime ay tatawid na sa pedestrian lane.

"Ang tagal ni elle!" Asik ni zara

"Alam mo naman, taga litex iyon. Traffic pa naman ngayon dahil linggo." Sabi ni cherry sa kanya.

Nangangalay na rin ako dahil almost half hours na kaming nakatayo dito at hinihintay sila..

"Oh? Wala pa si elle?" Salubong samin ni jami.

"Tahari! Di ka pa rin nagbabago. Maliit at payat ka pa rin." Ngumiti ako sa kanya.

Honestly, ayoko pag-usapan iyong kapayatan ko dahil kahit anong kain ko di ako tumataba o sadyang kulang pa? I don't even know.

I signed.

"Lagi ka naman kumakain sa mga post mo sa facebook at my day mo." Lingon sa akin ni Zara.

"Malay ko ba diyan kay Tahari bakit di tumataba." Ngiti ni cherry.

"Kaya nga, tingnan mo kami two years na pero lalong tumataba." Natatawang sabi ni jami.

Ngumiti lamg ako. Nakita ko naman ang ilang mga bus at jeepney na dumadaan habang kami ay nasa gilid ng waiting shed na wala namang upuan at nakatingin sa mga tatawid.

"Marielle ang tagal mo!" Salubong ko dito.

"Oh ayan! Kumpleto na tayo! Tara na." Sabi zara at naglakad kay elle. "Ang tagal mo." Wika nito sa kanya.

Tinawanan naman siya ni marielle at Pumunta sa akin . "TAHARI! NAMISS KITA!" sabay yakap sa braso ko. Natatawa naman ako sa kanya.

"Ang payat mo pa rin!"

"Dito na tayo sumakay walang gaanong pasahero." Lingon ni zara sa isang bus na nasa harapan namin.

Sumakay na ito kaya di na kami nag-inarte pa.

Pumunta kami sa dulong upuan ng bus kung saan lahat kami ay makakaupo. Wala naman nakaupo sa hererang upuan na nandoon. Nasa gitna ako ni marielle at cherry.

Muli akong niyakap ni marielle. "T! Bakit parang lalo ka yatang pumayat? Payat ka na nga pumayat ka pa!"

"Oo nga e." Ngiti kong sabi sa kanya.

"Iyon nga sabi ko sakanya, sa mga post at my day niya sa fb lagi silang kumakain." Biglang napalingon ako kay zara. Narinig pala niya.

"Magpatingin ka kaya sa doctor? Baka may sakit ka nang hindi mo nalalaman? Nagpacheck-up ka na ba?" Concern na sabi ni marielle.

Endless (On-going)Where stories live. Discover now