Kabanata 18

4 0 0
                                    

To stay


"Ano plano mo?" Umupo si marielle sa tabi ko. Nasa tapat kami ng Bldg.B kung saan may mga upuan.

"Makikipagkita ako."

Tiningnan ko ang mga jeep at bus na dumadaan.

"Tapos?" Cherry na may kinuha sa bag. "Gusto niyo?" Sabay pakita ng isang chichirya na Oishi.

"Ayoko. Hindi ako mahilig sa spicy." Ngiti kong sabi sa kanya nakita ko naman kumuha si Marielle.

"Gusto ko makipagkita para maging maayos ang pakiramdam ko, masyadong mabigat." tumingin ako sa kaliwa kung saan sila nakaupo kasunod ako.

"Sana nga, ito na ang huli." Dagdag ko pa.

I signed.

"Sana nga Tahari. Goodluck sayo!" Di ko alam kung seryoso si cherry o hindi sa sinabi niya mukhang ayaw niya maniwala na ito na ang huli naming magkikita ni Albert.

"Si Alfa hindi ko na pala nakikita." Biglang sabi ko sa kanila.

"Ang alam ko naging busy ito sa pagmomodelo e', malay ko doon!" Marielle.

"Bakit namimiss mo?"

"Wala. naalala ko lang, malapit na ang sembreak natin at hindi na siya pumasok simula January."

"Sana pasado tayo kay Sir Teves. Grabe pa naman siya magturo!"

I signed. "Hula ko nga bagsak ako sakanya, alam mo iyong feeling na kapag biyernes ayoko pumasok sa kanya dahil sa biglaang recitation, magaling siya magturo pero kapag nagtanong na ayon! Sasagutin mo tapos dadagdagan niya lagi ng "Bakit" hanggang wala ka na masagot!"

"Kapag hawak na niya mga index card at ni-ramble ramble, lagi akong nagdadasal na sana wag ako!" Halakhak ko.

"Ang terror naman kasi nun!"

"TAHARI!" bigla naman ako napatingin sa tumawag.

"Ate krys!"

Tumayo ako para salubungin ito. Siya 'yong babaeng nakasabay ko noon sa jeep. Nagkakatext kami kaso puro kamustahan lang.

She's wearing the HRM uniform. Longsleeve, black skirt at naka black stocking with 3 inch black stilleto at ang kanyang buhok ay naka-bun.
She's freaking sexy! Nakakainggit!

"Kamusta ka na? Wala kang klase?" Tanong niya nakatingala ako dahil hanggang leeg lang niya ako! Ang tangkad niyang babae.

"Vacant pa. Mamaya pa ang sunod naming klase. Ikaw?"

"Oo may klase ako, maya-maya magsisimula na iyon!" Ngiti niyang sabi

"Oo nga pla, mga kaibigan ko si cherry at marielle."

"Hi" kaway niya sa mga kaibigan ko. Ngiti naman ang ganti ng mga kaibigan ko.

"Mauna na ako, may klase pa ako! Baka bigla dumating si sir!" Sabi pa ni Ate krys at umalis na ito.

Pagkauwi ko sa bahay agad kong naisipan i-text si Albert para sa closure na hinihingi. Mas maganda kung maayos ang paghihiwalay namin pero iba ang nagreply.
Gamit niya ang number ni Albert, magkasama sila.

"HINDI KA TALAGA TITIGIL E' NO, MAY GIRLFRIEND ANG TAONG NILALANDI MO KAYA WAG KANG NAGTETETXT SA NUMBER NIYA."

Hindi ko na kinaya at nireplayan ko ito.

Me:
Sinabi niya sa'kin na walang kayo. Hindi ka niya girlfriend! Kaya wala kang karapatan sabihin lahat 'yan sa akin.

Her:
MALANDI KA TALAGA E' NO. GIRLFRIEND NIYA AKO P*TANG*NA MONG BABAE KA! MAKATI KA E! KUNG GUSTO MO NG LALAKI WAG ANG BOYFRIEND KO!

Endless (On-going)Where stories live. Discover now