Kabanata 23

2 0 0
                                    

What is love?

"Gusto niyo maglakad? lakarin natin ang mula rito hanggang tungko." Sabi ko sa mga tropa ko. Kakatapos lang nang huli naming subject sa araw na ito. Mag-aalas singko na rin ng hapon nang ma-received ko ang chat messages ni Arjay. Matapos nang isang buwan na hindi siya nagparamdam!

Arjay:

Hi babe. Alam ko masakit yung ginawa ko sayo, hindi na ako nagchat o nagparamdam sayo nangyare na naman 'yong nangyare dati, pero ngayon kaya ko ginawa yun kasi para di ka na masaktan.. Oo masakit iyong ginawa ko sayo pero mas lalo ka pa masasaktan kapag ipipilit ko pa yung relationship natin.. kaya pinili ko na lang na wag magchat sayo at di na magsalita ng kung ano-ano para mapatawad mo naman ako tapos gagawa na naman ako ng ikakasakit sayo.. hindi ko hinihingi 'yong patawarin mo ko pero gusto ko lng sabihin na SORRY SA LAHAT-LAHAT..

alam ko hindi sapat yung sorry sa lahat-lahat ng sakit na ginawa ko sayo.. hindi ako karapat-dapat sayo, ikaw yung tipo na babae na dapat mahalin at hindi niloloko ng lalaki at ako naman 'yong tipo ng lalaki na sarili lng iyong iniintindi..

kaya ko sinasabi to sayo ngayon kasi nakokonsensya ako sa ginawa ko sayo.. kung inisip muna pinagpalit kita sa iba.. hindi totoo yan sadyang sarili ko lang iniisip ko.. kaya SORRY! SORRY! SORRY! SORRY TALAGA SA GINAWA KO.. kahit di mo ako mapatawad gusto ko lng talaga humingi ng sorry.. Kaya Sorry talaga babe.

Kung sakaling magmahal ka ulit sana 'yong hindi tipo nang lalaki na katulad ko at sana yung mamahalin mo, sya na yung maging forever mo..

SORRY TALAGA BABE SA LAHAT NG GINAWA KO SAYO...

Hindi ako makapag-message sa kanya dahil bli-nock niya ako. Handa naman ako bigyan siya ng time e'! Bakit hindi manlang niya ako hinayaan magmessage manlang sa kanya. Iyong closure lang! Dahil mahirap 'yong ganito kami!

"Ano bang nangyari.?" Sabi ni chloè nang makita ako na namumula na ang ilong at mga mata dahil sa iyak.

"Gusto ko maglakad ngayon.. simula dito hanggang sa tungko."

Pinunasan ko ang luha ko. Kung lalakarin namin dito hanggang doon ay aabutin kami siguro nang kalahating oras. Maganda maglakad ngayon dahil pagabi na hindi mainit.

"Alam mo naman delikado!"

Sabi ni James nang dire-diretso ako maglakad.

"Ano ba yan, Tahari!" Inis na dagdag pa niya na hindi masundan ang mga hakbang ko.

"Wag mo na siya pansinin! Marami pa namang deserve na lalaki diyan! Hindi siya seryoso sayo!" Sigaw sa akin ni clarisse.

"Nandiyan si Mier!" Si clarisse.

Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Mier at walang imik.

"Uminom na lang tayo sa bahay. Walang tao doon." Aniya ni James. Lagi yan siya nag-yayaya. Lasinggero kasi.

I signed.

"Okay."

Lahat kami ay nag-ambagan sa alak at mga pulutan.

"Para kay tahari! Single na siya!"

Sabi ni James habang nakataas ang alak niya bago ito ininom! Loko!

"May pag-asa na si Mier!" Natatawang sabi ni Gabriel habang nanliliit ang mata sa amin ni Mier.

Tahimik lang ako nakaupo habang katabi ko ay sila chloè at clarisse. Hindi naman ako nababahala na ma-late ng uwi dahil nagwowork si mama sa valenzuela at minsanan ang uwi. Samantala si papa once a week kung umuwi ito, tuwing weekends lang. Kaya ang mga kapatid ko lang ang naiwan sa bahay. Well, ako naman ang matanda dahil si kuya ay walang pakialam sa akin.

Endless (On-going)Where stories live. Discover now