Kabanata 6

6 1 0
                                    

First date



"Samahan niyo ko!"

Uwian na namin ngayon at hinihintay ko si Arjay na madismissed ang class nila. habang wala pa siya kinakausap ko silang samahan ako dahil hindi naman ako sanay na makipag date sa lalaki lalo na't magpartners na kami, iyong mga labas namin ni Albert walang kahulugan. kaya hindi ako naiilang sakanya pero iyong kay Arjay ibang usapan yun.

"Wag niyo siya samahan!" Biglang sabi ni Bella kila Rynna at iba pa.

"Please.. First time ko makipagdate. baka mailang ako kapag kaming dalawa lang. kapag di kayo pumayag! di ko itutuloy ang date namin." Sagot ko sakanila.

"Isang beses lang ako nagpapasama sainyo, ngayon lang." Dagdag ko pa, nababahala talaga ako kapag first time.

"Kailangan ko na umuwi, walang pagbabantay sa kapatid ko." Sabi ni Jane

"Ako, uuwi talaga. ayoko maistorbo ang date niyo ni Arjay." Sabi ni Bella at kinuha ang bag niya para umalis. "Kayo na bahala diyan!" Dagdag pa nito.

"Wait lang Bella! Sabay na tayo." Nagmamadaling umalis si Jane para habulin ito.

"Okay sasamahan ka namin ni Michaela." Sabi ni Rynna na lalong napanatag ang loob ko.

Sakto naman uwian na nila. nakikita ko ang section nila na may hawak na bag, senyales na uwian na ng mga ito. Lumabas na kaming tatlo sa room para hanapin si Arjay.

"Jay!" Tawag ko ng makita ko siyang kausap ang mga kaibigan nito.

Nagpaalam naman siya dito at lumapit samin.

"Kaya pala!"

"May naghihintay!"

"May date pala!"

Sigaw ng mga kaibigan niya nang iwanan ang mga ito. Tinawanan lang niya ito.

"Tara!" ngiti nitong sabi at naunang maglakad habang kaming tatlo ay nasa likod lang.

"Gaga! Dapat sabay kayo maglakad habang nakaholding hands." Bulong sakin ni Rynna habang ako nasa gitna nila ni Michaela na nakakapit sa mga braso nilang dalawa.

"Oo nga. Hindi yung nakakapit ka samin ni Rynna." Bulong naman ni Michaela sakin.

"Bakit ba? Sa nahihiya ako!" Sabay irap ko sakanila. Tinawanan lang naman nila ako.

Hanggang makapasok kami sa mall. Mukhang naiilang si Arjay kaya hindi na siya nauunang maglakad, kasabay na namin siya. kaso ang katabi naman niya ay si Rynna dahil nasa gitna ako nila Michaela.

"Ano kakainin natin?" Tanong ni Arjay samin tatlo.

Binitiwan naman ako ng dalawa at tinulak papunta sakanya. Tiningnan ko sila ng masama at nginitian lang nila ako. Tss!

"Sa puregold nalang tayo bumili para mura lang. tapos, sa foodcourt natin kainin." Sagot ko.

Dahil mga highschool palang kami. alam kong sapat lang mga pera namin. kaya nang sabihin ni Arjay kung ano ang kakainin namin, naisip ko agad ang mga snacks sa puregold.

Nang kumukuha na kami ng mga snacks na kakainin bigla bumulong sakin si Rynna at Michaela.

"Ilibre niyo kami ah! Wala kaming pera pang ambag." Michaela

"Oo nga." Rynna sabay kuha pa ng isang chichirya. "Niyaya mo kami, kaya ikaw manlibre samin."

Buti nalang may pera ako, kaso ang pera ko nakalaan sa pagkakikita namin ni Albert dahil nangako ako sakanya na ililibre ko siya. Itetext ko nalang siya na next week nalang dahil gagamitin ko muna ang pera.

Endless (On-going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ