Kabanata 16

1 0 0
                                    

Rozen Elizalde

"Merry christmas!" Bigla kong sinend ang message para sa kanya.

Hindi naman masama kung batiin ko siya hindi ba? Namimiss ko na talaga siya ng sobra, kahit hindi siya magreply okay lang.

Napabangon ako ng higa nang biglang tumunog ang cellhone ko. "Who you?" Sumilay ang ngiti ko ng basahin ko ang reply niya.

Minsan, ganyan ang ginagawa niya kapag nagagalit siya o nagtatampo, binubura niya ang number ko tapos sa bandang huli ite-text ko pa rin siya at magpapakilala.

"Si Tahari to."

Di ko alam paanong nangyari sa araw na iyon. basta ang alam ko lang bumalik na naman kami sa dati. nagkakatext at nagkikita kahit hanggang ngayon hindi pa rin niya malinaw kung ano ang relasyon nila ni Rassel at kung anong meron sa aming dalawa.

Natapos ang pasko hindi alam ng mga kaibigan ko ang ginawa ko. Ayoko muna sabihin sa kanila. Maybe next time.

Napapansin nila cherry at marielle na agad din ako umuuwi after class di ako sumasama sa mga lakad nila. Ang palagi kong dahilan ay may gagawin pa ko sa bahay, dahil wala ang mga magulang ko.

Si papa sa malayo din nagtatrabaho at once a week kung umuwi. Naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko kaya thankful ako na nagkaroon ako ng kaibigan na napaka-understanding.

Alam kong may napapansin sila sa akin pero tahimik lang silang dalawa. parang hinihintay lang nila na ako mismo ang magsabi sa kanila kung ano ba ang problema ko.

Palagi na kami nagkikita ni albert tuwing gabi o after ng class ko, didiretso ako sa mall o kaya kapag magte-text siya saka kami magkikita.

"Tahari?" Tawag ni Ate Ellaine sa akin siya iyong ex girlfriend ni kuya seth. di man kami masyadong close sa isa't isa pero masasabi kong nakakausap ko siya minsan.

Nandito ako sa mall at nakatayo sa NBS dahil dito namin napag-usapan na magkita. Magkaklase sila ni albert sa ibang subjects nai-kwento ito sa akin ni albert kaya nalaman ko.

"Ate ellaine!" Ngiti kong sabi sa kanya. Lumapit namin ito.

"Gabi na ah. Bakit nandito ka pa?"

"Hinihintay ko ate si albert, may pag-uusapan lang." sabi ko sa kanya at tiningnan ang wrist watch para icheck kung anong oras na.

7:15 pm..

"Hinihintay mo siya? Ang labas ng klase namin ngayon ay 5pm. Hindi ba niya sinabi sayo?" Sabi nito na nagtataka. Minsan na-i-kwento ko sa kanya na may gusto ako kay albert at hindi naman siya nagsalita ng oras na iyon.

"Baka busy ate."

"Baka kasama si Rassel." Biglang sabi nito.

I bit my lower lip. "Baka nga po." Mahinang sabi ko.

"Hindi mo ba alam grabe yung babaeng yun! Mismo kaming kaibigan ni albert nahihirapan makalapit. Napakaselosa niya! kala mo aagawin namin sa kanya si bert." mahabang kwento nito na parang naiirita kay rassel.

"Well, alam naman namin na girlfriend niya ito pero sa ginagawa niya parang sinasakal na niya si bert at itong si bert naman hinahayaan lang." Dagdag pa nito habang nakatayo lang kami sa harap ng NBS.

"Girlfriend?" Tanong ko sa kanya. Alam kong may kutob ako pero hinayaan ko lang.

"Ha? Di mo ba alam ? Matagal na sila. Hindi ba sinabi sayo ni bert?" Halos mabingi ako sa narinig ko.

Alam ko. Mali ko na naman..

"Oh! Nandito na si bert!" Sabi nito sabay tingin kay bert na papunta sa banda namin.

Endless (On-going)Where stories live. Discover now