Kabanata 26

3 1 0
                                    

He died

"Wala na si Arjay." Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang mabasa ang message ni michaela sa group chat namin.

Kakatapos lang ng klase namin kaya masaya kaming mga tropa ko naglalakad. kaya lang napahinto ako habang nagtitipa.

Me: huh? Sino nagsabi? Totoo ba?

Michaela: wait lang, kinocomfirm ko pa kay sa pinsan niya na si Eve.

"Tahari! Tara na!" Napatingin naman ako kay chloè nang tawagin ako.

"Tara na T! Ang tagal mo? Ano ba yan?" Sabi sa akin ni James at pumunta sa akin kung saan ako nakatayo.

"Ano ba 'yon?" Inakbayan niya ako habang nakatingin sa cellphone habang nagtitipa ako.

Hindi ako umimik. Sinilip ko muli ang gc namin pero wala pang confirmation doon si michaela puro sila bella lang ang nagtatanong doon.

"Ano ba yan! James! Ang landi niyo!" Sabi naman ni Mier sa harapan namin. Mukhang pumunta din siya dito.

"Sus! Selos ka lang e, ako. Naaakbayan ko si tahari ikaw hindi." Biro niya dito sa harapan namin.

"Tara na!" Hinila na ako ni chloè dahil masyado na akong matagal nakatayo doon sa hallway. Nakakahiya na rin dahil harang ako sa daan.

"Saan tayo?" Rinig kong tanong ni clarisse.

"Kita na lang tayo mamaya sa inuman!"

Hindi ko na sila pinansin dahil masyadong blanko ako kung totoo ba ang balita o hindi!

"Bye!" Kaway ko sa kanila at sumakay na ng tricycle para makauwi.

Nang makarating ako sa bahay ay agad ko nilabahan ang uniform ko para masuot ito bukas. Nang matapos ay tiningnan ko ang cellphone at nakita na nagchat doon si michaela.

Michaela: T, wala na si arjay.

Nakita ko naman na nagsend pa ito ng screenshot convo picture nila ni Eve.

Eve: ate mich, wala na si kuya arjay.

Eve: hindi na umabot..

Michaela: hala? Anong dahilan?

Eve: Inaalam pa kung ano. Naabutan namin siya sa kwarto na nakahiga.

Michaela: condolence be.

Biglang bumuhos ang luha ko. Kaya ba siya nakipaghiwalay sa'kin dahil may problema siya?

Alas otso pa lang ng gabi pero nakakulong na agad ako sa kwarto ko. Dapat ba ako matuwa kasi buti nakipaghiwalay siya kundi magiging byuda ako ng maaga? Pero hindi, ang sakit.. ganito pala ang feeling ng mamatay iyong taong minsang nagpasaya sayo.. bakit?

Pinunasan ko ang luha ko at binasa muli ang chat ni michaela sa group chat.

Michaela: kung gusto mo makilamay sabihan mo lang ako. sasamahan kita kapag may oras ako.

Me: Thank you.

Rynna: T, punta tayo next week sa kanila.

Me: sige.

Sineen ko na sila after ng huli kong chat. Minemessage ko naman si babe (ate krys)

Me: Nasaan ka? Nasa balibago ka pa rin ba ?

Babe: nandito na ako sa bulacan. Noong nakaraang linggo pa ako nakauwi. Why?

I signed. Umikot ako para tumagilid ng higa bago nagtipa.

Me: babe.. wala na si arjay..

Babe: what? Anong dahilan?

Me: hindi ko pa alam kung ano..

Endless (On-going)Where stories live. Discover now