Kabanata 14

2 0 0
                                    

Siya

Magda-dalawang buwan na din kami nagkikita at nag-uusap. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong meron sa relasyon namin. Basta ang alam ko masaya ako ngayon dahil okay kaming dalawa. Pinag-sabihan naman niya ako na huwag magtetext ng umaga at hapon dahil kasama nito si Rassel kasi kapag nalaman ng babaeng yun, nagagalit ito sa kanya. Ayaw naman niya 'yon dahil palagi daw silang magkasama kaya gabi lang ako pwede magtext sa kanya o kaya kailangan siya ang unang magtext sakin. Pumayag naman ako dahil ayokong magalit siya ulit sa akin. Dahil natatakot ako na mangyari ulit yun. Ang hindi niya ako kausapin ng tatlong buwan. Nakakabaliw yun!

Araw ng biyernes ngayon at maaga natapos ang klase namin kaya nagpasya kami nila Marielle at Cherry na pumunta sa Fairview Terraces dahil na rin kaunti lang ang tao doon.

Pumayag ako dahil alas dyes pa lang wala na kaming klase. Isang subject lang ang pasok namin ngayon at mamaya pa naman kami ni Albert magkikita kaya pumayag din ako. alam nila Marielle at Cherry lahat ng nangyari samin ni albert dahil naikwento ko ito sa kanila.

"Mamayang alas tres pa labas ni albert mag ikot- ikot muna tayo dito." masayang sabi ko sa kanila.

"Tsk. Sinasabi ko sayo T! baka paasahin ka na naman niya." Biglang sabi ni Marielle.

"Ang tanga-tanga mo pa naman. ikaw nagbabayad ng bills kapag lalabas kayo. tapos, minsan pinapaloadan mo pa siya." -cherry

"Wag na kayo magselos babawi ako sa inyo next time!" sabay hatak ko sa kanila papasok ng store.

Ilang oras rin kami nag-ikot at tumingin-tingin sa mall.

"Uuwi ka na ba cherry?" Tanong ko sa kanya ng mapansin mag-aala una na.

"Oo e, alam ni mama schedule ko nagpaalam ako na hanggang ala una lang ako. kaya, kayo muna ang mag sama." sabi ni cherry sa'ming dalawa sabay kaway paalis.

"O sige, ingat ka!" sabi namin ni marielle sa kanya at nagpasya kami na umupo muna sa mga bench sa FT (Fairview terraces).

"Ikaw, Marielle anong oras ka uuwi?" Tanong ko sa kanya at kinuha ang phone ko baka sakali magtext na si albert sa akin.

"Sabay na tayo, maya-maya" sabi nito sa akin habang ako nagtitipa ng message para kay albert.

"Anong oras labas mo?"- text ko kay albert nakakabisado ko na yung free time niya dahil madalas naman niya kami magkita. kahit ayaw niyang sabihin sakin ang schedule niya.

"Nako be! Sigurado ka ba kay albert? Paano kung girlfriend na niya yung rassel na yun?" Sabi pa nito sa akin na nag-aalala.

"Hindi daw niya girlfriend yun, bestfriend lang daw niya yun! be." Sabi ko.

"TAHARI NAMAN! minsan isipin mo sarili mo ikaw na nagsabi kapag nagkikita kayo ni albert lagi naman niya na-ikekwento sayo ang tungkol kay Rassel, hindi mo pa ba nararamdaman?" bigla ako napahinto at napatingin sa kanya.

"Bestfriend lang niya yun" mahina kong sagot sa kanya.

Kahit may kutob akong mali. Kahit alam kong tama siya ayoko lang maniwala dahil sinabi sakin ni albert na magbestfriend lang sila. kahit alam niyang nanliligaw sa kanya si rassel di niya daw ito papatulan dahil ang tingin lang niya dito ay girl best friend lang. Nagtitiwala ako sa kanya.

Sa kanya lang ako makikinig hangga't hindi niya sinasabi na girlfriend niya yung Rassel di ako titigil.

"Mamayang 3pm labas ko, sabi ko sayo wag ka magtext kapag umaga o hapon diba? Paano kapag mabasa niya. Gabi ka lang pwede magtext." reply ni albert sa text ko sa kanya.

"Alam mo sa sarili mo na mali lahat yan, pero patuloy ka parin nagbubulag-bulagan Tahari." Malungkot niyang sabi sakin.

"Mahal ko e." Ayun lang ang tanging nasagot sa kanya.

Endless (On-going)Where stories live. Discover now