Kabanata 20

5 1 0
                                    

Balibago

"Mama, sa next friday sasama ako sa kaibigan ko. Debut niya. Sa batangas gaganapin, dalawang araw lang kami doon."

Tiningnan ko si mama habang naghihiwa ng sibuyas, magluluto yata siya ng ulam.

Nasa bahay na ako, wala naman sinabi sila kuya ng dumating ako. Kung magkakasalubong naman kami ay di kami nagpapansinan. Si papa naman ay wala naman imik ng makita ako. Sinubukan ko na rin mag-apply kaso ayaw ako tanggapin dahil mag seventeen years old pa lang ako sa april. Masyado pa raw ako bata, idagdag mo pa na ang height ko ay mababa lang.

"Hala. Wala tayong pera. Paano 'yon."

Alam ko sasabihin niya iyon lagi naman 'yon problema hindi naman mawawala.

"Libre ang pamasahe.." mahina kong sagot.

"Sige, bibigyan na lang kita ng kaunti sa sahod ng papa mo."

Hindi ako umimik. Buti na lang wala si kuya kung nandito iyon at narinig ang usapan namin kung anu-ano na naman ang sasabihin niya. Nakakainggit kasi kapag siya ang nagsabi, papayagan siya kahit walang pera, maghahanap 'yan sila mama at papa ng mauutangan para lang hindi magalit o magtampo sa kanila si kuya.

I signed.

Nang dumating ang friday ng hapon ay nakipagkita ako kay ate krys, sa mall raw muna kami magkita bago sa STI para sunduin ang iba pang kasama namin. Binigyan ako ni mama ng pera na 300 pesos kung sakaling may gusto ako bilhin o wala. Marami din kami pang eighteen ako na kasama ni ate krys. Naging maingay ang biyahe namin dahil halos lahat ay puro lalaki, tatlo lang kaming babae. mahigit limang oras ang biyahe dahil naabutan pa kami ng traffic. Kaya gabi na, kami nakarating sa balibago. Masyadong liblib ito at matarik ang daan, Isang beses kami naligaw dahil hindi makita ang daan ng daddy ni ate krys kasi masyadong madilim.

"Dito na tayo, tara!"

Bumaba na kaming lahat sa sasakyan ng papa niya. Kahit madilim ay naaamoy ko ang dalampasigan. Shit! The smell of the sea, nakakaadik! Isa-isa namin sinundan si Ate krys nakita ko may tatlong bahay. Ito yata ang rooms for the guest. May mga nakakalat din na mga tree palms.

"Dito muna tayo matulog, may mga guest pa sa ibang room. Lilipat na lang tayo bukas ng umaga kapag may umalis." Ate krys

Nang makapasok kami sa pangatlong bahay may tatlong room ito kada palapag kaya mayroon itong six rooms. Sa pangalawang palapag kami pumunta pagkabukas ko ng kwarto ay makikita agad ang kama, hindi kaliitan, hindi din naman kalakihan. Sama-sama kaming mga babae at sa kabilang room naman ay ang mga lalaki.

"Ilang tao ang kasya dito ate?" Bigla kong tanong habang inaayos ang mga bag namin.

"Kasya dito ang apat na tao."

Alas dies kami nakarating, pagkatapos ayusin ang mga gamit ay pumunta kami sa pangalawang bahay parang kitchen yata nila ito dahil may nakita akong mga lutuan. Mula dito ay makikita ang pangatlo at unang bahay. Ang unang bahay ay may 2nd floor iyong bang katulad sa probinsya ang itsura dahil malaki ang bintana nito iyong i-ni-slide at binubukas ang gitna. Nakalimutan ko ang tawag doon! Mukhang maganda doon dahil mataas ang palapag niya kaysa sa pangatlong bahay. Sa tingin ko kapag umaga ay matatanaw mo mula doon ang dalampasigan at itong mga bahay.

Nang matapos kami kumain ay nag-kwentuhan na.

"Anong oras na?" Tanong ni kuya Anton

Bawat isa sa'min ay kanya-kanyang kuha ng cellphone.

"Mag alas dose na!"

"Ay, oo nga pla guys, walang signal dito ah." Biglang sabi ni ate krys.

"Paano ko matetext ang girlfriend ko!" Sabi ni kuyang kulot nakalimutan ko ang pangalan niya dahil sa sobrang dami nila hindi ko na nakabisado.

Endless (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon