Kabanata 7

7 1 0
                                    

Ati-atihan and Maskara Festival


"Ms. Rendez, nabalitaan kong boyfriend mo si Mr. Barcelona?" Tanong ng math teacher namin na nagbabantay samin ngayon, wala kaming klase. dahil ang oras ng klase nila ay ang oras nang practice namin para sa competition.

"Opo sir."

Ilang araw narin ako tinanong ng mga teachers dahil kay Arjay kung boyfriend ko daw ito o kung kami ba. Sawang sawa nako sumagot sakanila dahil minsan naooffend ako sa mga tanong nila. Kasi may mga laman bawat tanong nila. Kahit ibang section nagtatanong din.

Di ko naman alam na ganito pala kakalat ang relasyon namin ni Arjay. na kahit teacher ay nagtatanong.

Ito na ang huli araw ng practice namin dahil sasabak na kami sa laban bukas, kaya halos lahat ng mga 3rd year at 4th year ay bakbakan ang practice kanina. Inisa nalang lahat ng 3rd year at 4th year dahil kung by section daw ay mahihirapan lang kami. lalo na't kakaunti lang naman kada section, at dahil narin ang theme ay festival kaya kakailanganin talaga na maraming participants.

Nalaman ko kay Arjay (Jay) na, Maskara Festival ang sa kanilang 3rd year, hindi pa namin nakikita ang sayaw nila. dahil sa kabilang court sila nagpapractice para daw hindi namin makopya ang steps nila. Pero, base sa nakikita naming mga costume nila. Masasabi mong ginastusan talaga nila.

Samantala ang costume namin ay gawa sa karton, dinagdagan lang ng kaunting desinyo na katulad na nakikita namin sa Ati-atihan. Nag ambagan lang kami ng 100 pesos para bumili ng mga feathers para sa ulo, pintura para sa karton, mga tela at pati mga gamit para sa sayaw katulad ng kahoy, bilao at iba pa.

Dahil napapanood ni Rynna ang practice namin, napag desisyon niyang sumali dahil madali lang naman ang steps nito.

Alas syete na ng gabi at nandito parin kami nagpapractice dahil bukas na ang competition. Maagang umuwi ang mga 3rd year dahil nakita namin na sobrang saya nila na naperfect nila ang practice nila. saglit lang namin nakita ang sayaw nila, dahil mukhang may malaki silang pasabog para bukas. ni hindi ko nga nakita si Arjay kaninang nagpractice sila ng sayaw. Tinanong ko siya dahil nakukuryos ako kung ano ang gagawin niya para bukas. At ito ang sinagot niya sa akin.

"Babe, malalaman mo bukas na mas magaling ako sumayaw kaysa sayo."

Di ko siya matingnan nang maayos ng sabihin niya ito sakin. dahil napapanood niya kong sumasayaw sa court kapag practice time namin. ni hindi ko nga maikilos ang mga paa at kamay ko para sumayaw dahil nararamdaman kong nakatingin siya. Katulad ngayon..

Medyo madilim na sa school at dalawang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag, na nanggagaling sa room at ang isa ay nakakabit sa ring ng basketball.

Tahimik lang siya nakaupo sa isang sulok sa di kalayuan akala ko umuwi na siya pero mukhang hinintay niya ko. Sinabihan ko kasi siya na wag manood kapag practice namin dahil hindi ako makasayaw ng maayos dahil sakanya. Kaya siguro nagtatago siya ngayon. alam kong siya yun dahil sa katawan palang niya masasabi kong siya.

Huling practice na namin ngayon dahil lagpas alas syete na ng gabi.
buti nalang di gaano maliwanag dahil hanggang ngayon di parin maayos ang sayaw ko. dahil sa lalaking nakatingin sa akin kanina pa at pangalawang beses na niya sinisigaw ang..

"Babe! Lambutan mo pa!" Halos itago ko ang mukha ko ng ilang beses dahil sa sigaw niya. Nakakahiya sa mga schoolmates ko. may ibang section pa naman..

May kasama na siyang ilang mga lalaki , di ko lang mamukhaan dahil madilim ang pwesto nila.

Siguro nakukuryos ang mga lalaking kasama niya kung sinong babe ang sinisigaw ni Arjay, kaya lumapit ito sa amin at hinahanap ako.

"Sino dito ang girlfriend ni Arjay?"

Endless (On-going)Where stories live. Discover now