Chapter 113

278 8 2
                                    

Third person.

" ARGHHHHHH " sigaw ni nathan nang malakas na tumama sa balat nya ang isang latigo. Muli syang napahiyaw nang bumitaw ito sa balat nya kasama ang ilang bahagi ng balat nya dahil hindi lang ito simpleng latigo, mayroon itong malalaking tinik na kumakapit sa balat.

Ilang ulit pang hinampas ng lalaki si nathan gamit ang nasabing latigo. Pilit na inaaninag ni nathan ang itsura ng lalaki ngunit hindi nya makita ang mukha nito dahil nakabalot iyon ng itim na tela, tila isa itong berdugo na syang nagbibitay sa mga nahatulan ng kamatayan noong unang panahon.

unti-unting bumabagsak ang talukap ng mga mata ni nathan, hindi lang dahil sa antok kundi dahil sa pagod pero nananatili syang gising dahil sa sakit na hindi nya kayang baliwalain sa tuwing pinahihirapan sya ng mga ito.

Naka-kadena ang magkabilang kamay ni nathan, ang nakakabit ang magkabilang dulo ng kadena sa dalawang kanto ng madilim na silid kinalalagyan nya. Hindi sapat ang haba nito para makaupo sya kaya kahit na naisin nyang magpahinga ay hindi nya magawa dahil sa tuwing magpapahinga sya ay awtomatikong hinahatak ng kadena ang magkabilang braso nya. Hindi alam ni nathan kung gaano na ba sya katagal na nasa lugar na yun, wala syang nakikitang sinag ng araw na pumapasok sa silid kaya ang hula nya ay nasa basement sya ng isang bahay o bahay ba talagang matatawag ang lugar na kinaroroonan nya.

" ARGHHHHH! " hiyaw ni nathan nang maramdaman ang paghapdi ng mga sugat na natamo nya mula sa mga kabrutalang ginawa sakanya ng mga taong naroon. Halos hindi na makita ang pagkakaiba ng luha, dugo, pawis, laway, sipon at ng tubig sa mukha at buong katawan ni nathan. Hindi na maipinta ang mukha nya, ang dating walang emosyon nyang mukha ay naglalabas na ng mga emosyon na wala ni kahit na sinong makakaintindi, kahit na ang pinaka magaling na pintor ay hindi magagawang ipinta ang mukha nito, ngunit kahit na ganun ay ramdam mo ang sakit at paghihirap sa tuwing sisigaw si nathan.

Pilit na iminumulat ni nathan ang mga mata nya nang may mag-flash na ilaw. Madilim ang silid, ang tanging nagbibigay ng liwanag lang dito ay ang sulong nakasindi sa dalawang sulok nito kung saan nakakabit ang dulo ng kadenang nakakabit sa magkabilang kamay ni nathan.

" p-patayin...n-nyo na lang a-ako..." hirap na sabi ni nathan sa kung sino man ang taong nakatayo ngayon sa harap nya.

Hindi gusto ni nathan na sabihin ang mga bagay na yun, sinisigaw ng isipan at puso nya na kailangan nyang mabuhay para sa mga taong umaasa sakanya, para sa pamilya nya na alam nyang alalang-alala na sakanya ngayon. ngunit kahit na isinisigaw ng puso at isip nya na mabuhay, alam ni nathan na kusa ng sumusuko ang katawan nya, ramdam nya na sumusuko na ang buong katawan nya sa bawat hambalos ng matitigas na bagay, sa paglapat at pagbaklas ng balat nya, sa bawat paghapdi ng mga sugat nya sa tuwing walang habas syang bubuhusan ng malamig at mainit na tubig. ni hindi nya na rin magawang tumayo ng maayos dahil sa baling buto sa paa na natamo nya nang walang habas na pinaghahampas ng isa sa mga taong naka-itim ang dalawang binti nya hanggang sa mapagod ito. humihinga pa sya, ngunit sa mga dinaranas nya ngayon, pakiramdam nya ay patay na sya at nagdurusa sa impyerno.

Muling nag-flash ang camerang hawak nito kaya napapikit si nathan dahil sa liwanag " hindi maganda ang palabas kung mabilis kang mamamatay " nakangising sabi nito saka muli syang kinunan ng litrato " you look great tingnan mo " sabi nito na ipinakita pa kay nathan ang litratong kinuha.

Hindi tiningnan ni nathan ang litrato sa halip ay pilit nyang itiningala ang ulo nya para tingnan ang taong nasa harap nya, ngunit dahil sa flash ng camera ay may malaking puting tila ilaw ang humaharang sa paningin nya " just kill me " pagmamakaawa nya rito.

" tsk. Hindi namin pwedeng gawin yun.. gusto pa ng grupo namin na makipaglaro.. at isa pa.. hindi mo ba alam na papunta na ang kwentong ito sa climax? Sigurado akong nababaliw na si steal ngayon.. i can imagine his face right now hahaha " tila baliw na tumawa ito. tinatawanan ang naiisip nitong itsura ni steal.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon