chapter 60

920 24 0
                                    

" wag mo ng ituloy to, alam mo naman na hindi dapat kayo mag-kita di ba? " hindi pinansin ni nathan ang mga sinabi na yun ni arkin sakanya. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makalabas ng mansion kung saan nag-aantay sakanya ang kanyang kulay itim na motorsiklo

" nathan, makinig ka saken, kapag nakita kayo ng mga ta----"

" hindi matatapos to hangga't walang tatapos " sabi ni nathan at saka humarap sa binata " at alam kong ito rin ang gagawin ni nathalia " mata sa matang tiningnan nya ang binatang si arkin " sa aming dalawa, isa lang ang dapat na matira... At ako yun " matapos yun ay tuluyan na syang umalis sakay ng kanyang motorsiklo

Wala naman ng nagawa ang binatang si arkin kundi sundan ng tingin ang motor ng dalaga na humarurot palayo sakanilang mansion.

" kahit na anong gawin at sabihin naten, wala na tayong magagawa para pigilan pa sya " napalingon si arkin sa ama nang bigla na lang itong nag-salita at sumulpot mula sa kung saan " that girl, she's really the empress of mafia "
Napataas ang isang kilay ni arkin nang marinig yun mula sa ama, at mukhang napansin nito iyon kaya bumaling ito sakanya " don't get confused, they both deserve to have that title, it just happen that nathan is the one who's fit as mafia's empress " matapos yun ay makahulugang ngumiti ito

Naiwan si arkin na tulala at nag-iisip, iniisip kung bakit sinabi yun ng kanyang ama gayong sa loob ng mahabang panahon ay sinuportahan nila si nathalia dahil sa tingin nila ay ito ang karapat-dapat na maging empress na syang mamumuno sa mafia pero ngayon?

' it just happen that nathan is the one who's fit as mafia's empress'

O baka naman, siya lang ang nag-iisip ng bagay na yun? Kung ganun, bakit pa bnla sinanay ng husto si nathalia kung si nathan naman pala ang magiging empress ng mafia?

---

natigilan si nathalia sa ginagawa nang marinig ang katok mula sa pintuan ng kanyang opisina. " pasok " sabi nya rito kaya naman unti-unting bumukas ang pinto at niluwa nun ang isang babae, ang kanyang bagong sekretarya.

yumuko muna ito sakanya bago mag-salita " pasensya na po kung naistorbo ko kayo may nagpapabigay po kasi nito " sabi nito at nilapag sa lamesa nya ang isang kahon.

" kanino nanggaling yan? " tanung nya rito

" sa kapatid nyo po " sagot nito. lihim na napangiti si nathalia nang maisip ang isang taong siguradong nagpadala nito.

" sige na lumabas ka na " utos nya rito. muli naman itong yumuko bago tuluyang nilisan ang opisina.

nang tuluyan nang makalabas ang sekretarya ay kinuha ni nathalia ang kahon na sa tingin nya ay mula kay anna. binuksan nya yun at natigilan sya nang bumungad sakanya ang isang pamilyar na litrato, isang litrato na kung saan ay may dalawang sanggol na nakangiti at magkamukhang-magkamukha. ngunit hindi tulad ng litrato na palagi nyang nakikita, hati ang litrato sa dalawa kung saan tila pinaghiwalay ang mga ito.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon