chapter 40

1.9K 60 10
                                    

" talaga ? I think that was a great idea " sabi ng lolo ni nathan sa kausap nito. pinagmamasadan lang ng dalaga ang mga taong nasa harapan nya na nag-uusap tungkol sa transaksyon at iba pang negosyong hinahawakan ng mga ito. businessmen are always busy at ang palaging bukang bibig ng mga ito ay kung ano ang maaaring mapagka-kitaan.

buryo na si nathan sa mga ganung usapan at higit sa lahat pagod na syang harapin ang mga taong nasa bulwagan na walang ibang bukang bibig kundi ang pag-lantad ng binatang si blank sa publiko. samo't saring papuri ang narinig nya patungkol sa binata na sa tingin nya ay sasabog na ang ulo nito dahil sa mga komplementong iyon.

" excuse me " paalam nya sa mga taong nasa lamesa kasama nya. nang tumango ang kanyang ama ay agad syang umalis at nag-tungo sa pinaka malapit na rest room at pumasok roon at agad na ni-lock ang pinto nito para walang makapasok

" aish. bakit ba sa dinami-rami ng tao ay yung lalaking yun pa ang naging si blank ? tsk. sabi na nga ba at hindi coincidence ang lahat ng pagtatagpo namin " sabi nya sa sarili habang nakatingin sa salamin. nang mapabaling ang tingin nya sa sariling leeg ay bigla na lang bumalik sa alalaala nya ang una nilang pagkikita.

" aish ! d*mn it ! " matapos makapag-labas ng sama ng loob ay lumabas na rin sya ng banyo at nagpasyang bumalik sa bulwagan pero natigilan sya ng makitang abala naman ang mga tao sa mga bagay na ginagawa ng mga ito kaya dumiretso na lang sya sa veranda, ang paborito nyang parte ng UC ( Under Construction ) building.

tiyempo at walang tao roon kaya agad syang naupo sa upuan na nanduon, napangiti sya nang maramdaman ang pamilyar na atmosphere ng lugar. this place is her comfort lalo na sa tuwing pagod sya kaka-kausap sa mga taong kailangan nyang kausapin related to their business.

" hayyy, nakakapagod " kunot noong napalingon si nathan sa bigla na lang nagsalita at isang lalaking nag-iinat ang nakita nya. ngumiti ito at walang paalam na naupo sa upuan na katapat nya " mukhang napagod ka rin.. empress " nakangiting sabi nito sakanya. hindi sumagot si nathan sa sinabi na yun ng binata dahil wala naman syang interest na kausapin ito

" tss. ang isnabera mo pala sa personal " muling komento nito pero tulad kanina ay hindi nya ito pinansin. sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa " give me your feet " wala sa wisyo ay napabaling sya sa binata dahil sa sinabi nito.

" what ?" may halong inis na tanung ni nathan rito. wala syang ideya sa kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip ng binatang nakaupo katapat nya, pero sa tono ng pananalita nito ay nakaramdam sya ng inis dahil parang iniutos nito iyon sakanya at dapat nito iyong sundin.

" hay wag ka na ngang maarte. akin na lang kasi " at walang ano-ano ay kinuha nito ang kanang paa nya na agad nya namang piniglas pero pinilit nito iyong ilagay sa hita nito at tinanggal ang suot nyang high heel

" ano ba ? what the hell are you thinking ? anong karap---" natigilan sya sa pagsinghal rito nang bigla na lang nitong umpisahang pisilin ang kalamnan nya sa binti " ano ba ? itigil mo nga yan ! " saway nya rito pero hindi tumigil ang binata sa paghihilot and she admit, it feels so good at nare-relax ang muscles nya dahil sa ginagawa nito

" alam kong masakit na ang paa mo dahil kanina mo pa suot yang pamatay mong heels " seryosong sabi nito sakanya, tahimik na umiwas na lang ng tingin si nathan, wala syang masabi rito dahil hindi nya akalain na napansin pala nito ang kanina nya pang iniindang sakit sa binti dahil sa mataas na sandalyas na suot

" stop it " sa wakas ay nasabi nya. kunot noong inangat nito ang tingin sakanya, bakas sa mukha ang pagtataka sa kung ano man ang ibig nyang sabihin sa binata " tss. let go off my feet will you ?" sabi nya rito. pero himbis na sundin ang sinabi nya ay ngumiti lang ito

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon