chapter 53

916 28 4
                                    

Umaga na nang matapos si blank sa ginagawa nyang pag-aaral sa mga impormasyon na hawak nya kaya naman hindi nya na namalayan na unti-unti na palang bumagsak ang talukap ng mga mata nya hanggang sa tuluyan na syang nakatulog.

Ilang oras ang lumipas ay nagising si blank dahil pakiramdam nya ay may naka-masid sakanya at pagdilat nya ng kanyang mga mata ay ang mala-anghel na mukha ng kanyang asawa ang agad na bumungad sakanya " Good morning " nakangiting bati nya rito

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ito " handa na ang almusal tara na " as sual ay malamig na sabi nito. Napakamot na lang ng ulo si blank at niligpit ang mga gamit na bago tuluyang sumunod sa asawa. napakunot ang noo nya nang makarinig ng pamilyar na tawanan ng mga bata at sa patuloy nyang paglalakad papunta sa kusina ay ang mga batang masayang naghaharutan ang bumungad sakanya

" tito A ! " agad na tumakbo sakanya ang batang si iku nang Makita sya sa bukana ng kusina " we missed you " nakangiting sabi nito sakanya

" tss. i don't missed you A " kontra naman ng kakambal ng batang si iku na si eurie sa sinabi nito.

natawang ginulo ni blank ang buhok ng mga bata " na-miss ko din kayo " ganting sabi nya rito.

" tss. don't pet me " walang ka-emoemosyon na sabi ng batang si eurie sakanya na tinabig pa ang kamay nya. napailing na lang sya sa ginawa nito.

" dito na kayo, kakain na tayo " napabaling si blank sa babaeng may dalang plato sa mag-kabilang kamay na may lamang mga ulam na siguradong niluto nito dahil nakasuot pa ito ng apron na ngayon nya lang napansin.

" tito A, tunaw na si umma" kantyaw ng binatilyong si eizihiro sakanya dahilan para magtawanan naman ang mga bata.

" naku, ikaw talaga, kumain na nga lang tayo"  natatawa na sabi ni Nathan. Nag-umpisa na silang kumain at si blank ay hindi maitago ang saya dahil ito ang unang pagkakataon na makasama nya sa agahan ang mga anak ni Nathan na para silang isang buong pamilya

Matapos kumain ay nag-ayos naman na ang lahat, ang mga bata kasi ay papasok sa eskwelahan habang si Nathan at si blank naman ay magpupunta sa opisina para mag-trabaho. Nang matapos na ang lahat ay sumakay na sila sa van na nag-aantay sakanila sa labas ng bahay

"ayos na ba ang lahat ? wala na ba kayong nakalimutan mga bata ?" tanung ni blank sa tatlo na naka-upo sa tabi ng bawat isa

"wala naman na po tito"  sagot ni eizihiro na sinang-ayunan naman ng kambal kaya binuhay na ni blank ang makina ng sasakyan at nag-maneho na palayo. Ilang minuto ang itinagal ng biyahe dahil sa traffic ngnit hindi naman naging boring yun dahil sa kulit ng mga bata na kasama nila

"were here kids.. oh! Mag-iingat sa pag-baba" paalala ni Nathan sa mga bata habang inaalalayan ang mga ito sap ag-baba ng van  magpapakabait kayo ah, dadaanan namin ulit kayo pag-uwi  nakangiting sabi nito

"really umma ?"  tanung ng batang si iku, tumango naman si Nathan bilang sagot rito " see you soon umma " paalam nito, humalik na ang mga bata sa pisngi nya bago tuluyang pumasok ang mga ito sa loob ng malaking gate ng McQueen Academy

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon