chapter 49

1K 38 4
                                    

Warren.

" nandito na ko, nasan ka? " tanung ko habang patuloy na lumilibot ang paningin sa paligid, ang daming tao dito, bakit ba kasi dito nya pa naisipan na makipag-kita saken?

" gotcha! " nagulat ako nang may mga brasong pumalupot sa bewang ko, nilingon ko naman kung sino ang may ari ng mga yun at ang ngiting-ngiting mukha nya ang aking nakita. " tss, hindi ka ba natutuwang makita ako? Si argel nga natuwa e " pout na sabi nya

" what do you mean? " i asked, anong ibig nyang si argel nga natuwa? Nagkita sila? Pero paano?

" dinalaw ko sya, kaya nga dito ako sa park nakipag-kita dahil mas malapit yun dito " pout na sabi nya. Ah yun naman pala yun.

" tara na, san mo gustong kumain? " tanung ko sakanya. Humawak naman sya sa baba nya na tila nag-iisip

" ayaw kong kumain, gusto kong dalawin si nathan " nakangiting sabi nya. Awtomatiko naman na tumaas ang isang kilay ko. Ano daw? Gusto nyang makita si ella? Buang na ata to " hey! Seryoso ako no! Gusto ko kasing mas makilala sya " paglalambing nya saken

" hindi pwede, sigurado ako na wala yun ngayon sa bahay nila she's too busy because of mafia " paliwanag ko

" ganun ba? Gusto ko pa naman syang makita, anu ba yan huhuhu " ngawa nya, siraulo talaga, napaka-isip bata talaga

" huy! Tumigil ka nga sa pag-ngawa mo, nakakahiya, nagtitinginan yung mga tao oh " saway ko sakanya. Tumihil naman aya at parang bata na pinunasan ang luha nya, tss talagang umiyak pala sya

" whoa! S-s-si A! " nagulat ako nang bigla na lang syang tumakbo, sinundan ko nanan sya ng tingin at nagulat sa taong nilapitan nya, teka? magkakilala sila? Pero paano? Walang nabanggit saken si seah na nagkakilala sila ni A.

Naglakad ako palapit sakanila na nay pagtataka pa rin sa isipan, sa nakikita ko ngayon, parang kilalang-kilala na nila ang isat-isa dahil si seah, sya ang tipo ng tao na hindi sweet sa mga taong kakakilala nya lang, at kay A, komportable sya dito. Pero paano?

" that's enough " hindi ko alam kung paano yun lumabas sa bibig ko pero wala e, nasabi ko na kaya hindi ko na mababawi pa. Sabay silang lumingon saken

" pasensya na, mukhang na-miss lang ako nitong si seah " sabi pa ni A habang ginugulo ang buhok ni seah. Isa pa yun, ako nga ayaw na ayaw nyang ginaganun ko sya pero itong lalaking to? Tsk, ano bang meron sakanila na hindi ko alam?

" oy! Hindi kita na-miss ah, actually ang gusto kong makita ay ang asawa mo, kasama mo ba sya? " tanung ni seah habang nakayakap pa rin sa bewang ni A, alam ba nilang nasa public place sila? At PDA ang ginagawa nila tsk

" ah, sayang pero hindi ko sya kasama e, may mga bagay syang kailangang gawin ngayon " paliwanag ni A

" aish! Ano ba yan, so ganun pala talaga ka-busy si nathan? Sayang naman " at ang loka-loka nag-pout pa. Tss kung wala lang kami sa public place ay baka na kurot ko na ang babaeng to hayst bakit ba nagpapakita sya ng mga ganyang klaseng reaksyon sa harap ni A? Nakakairita ah

" ano nga palang ginawa mo rito? Ang akala ko ba busy ka rin ngayon?" tanung ko

" ah, oo busy nga ko, may dinaanan lang kasi ako dyan sa malapit " paliwanag nya

" ganun ba? Kawawa ka naman pala, mahirap ba ang trabaho mo? Baka may maitulong ako, pwede akong tumulong " suhesyon ni seah, aba't.

" naku wag na, baka mamaya may sumapak na sakin e, tingnan mo " mahina lang ang pagkakasabi nun ni A pero mukhang sinandya nya talagang iparinig saken. Tss, ano bang alam nya? Tsk

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon