chapter 44

1.3K 56 20
                                    

Norman.

" nakapag-usap na kami ng anak mo, at mukhang nag-uumpisa na syang kumilos para alamin ang totoo " natigilan ako nang sabihin yun ni ichijou-sama. Kung ganun ay nanggaling na rito si Nathan.

" sino ang kasama nya na nag-punta rito ?" tanung ko

" si A, at mukhang tama ang iyong ama dahil nakikita ko na ang dating Nathan " sagot nito. Tama sya, maski ako ay nakikita ko na ang unti-unting pagbabalik ng anak ko, ang pagbabalik ng anak ko na napuno ng lungkot at hinagpis nang mawala ang asawa nya pero ngayon muli ng nagbabalik ang sigla nya. At dahil yun kay A.

" tama kayo, at sana nga ay magtuloy-tuloy na para naman tuluyan ng maibsan ang sakit sa dibdib ng batang yun " sabi ko.

" wag kang mag-alala, sigarado na ang bagay na yun '"sabi nya. " oo nga pala, nung araw na nag-punta sya saken, ibinigay nya yan at sinabi na ibigay ko sayo " may sobre syang inilapag sa lamesa

" galing to sakanya ? " paninigurado ko nang makuha ang sobre sa lamesa na nakabalot sa pamilyar na papel at may simbolo ng mafia.

" oo, at wag kang mag-alala, Hindi alam ng ama mo ang tungkol dyan dahil siguradong haharangin nya ang sulat na yan para hindi mo matanggap " sabi nya

salamat po  sabi ko at tinabi ang sulat sa loob ng yukata na suot ko.

Ilang oras pa akong nanatili sa lugar na yun hangang sa maisipan ko ng umuwi. Habang nasa biyahe ay iniisip ko ang posibilidad na laman ng sulat na ibinigay nya. Ito ang unang beses na pinadalhan nya ako ng sulat.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ng napakaraming bultler at maids pero hindi ko sila pinansin at dumiretso sa study room ko. Sinabihan ko na rin ang mga butler na wag magpapapasopk ng kahit na sino dahil may mahalaga akong gagawin

Agad akong naupo sa swivel chair ko at kinuha ang sobre na nakatago sa yukata ko. Walang duda, ang simbolo nga ng mafia ang ginamit nya para tatakan ang liham na to, ang simbolo na ginagalang ng kahit na sino mang makakita nito, na wala ni sino man ang pwedeng bumasa ng liham maliban sa taong nakatakdang magbasa nito, at sa liham na ito, ako ang taong yun.

Binuksan ko na ang sobre at bumungad saakin ang isang litrato, isang pamilyar na litrato na matagal ng nakatago sa likod ng litrato ng pamilya namen na naka-display sa lamesa ko. Kinuha ko ang kopya na meron ako at pinag-tabi ang mga ito. Walang duda, sya nga ang may padala nito

Tinanggal ko sa maayos na pagkakatupi ang papel na naglalaman ng sulat nya at ang pamilyar na penmanship ang aking nakita, parehong-pareho sila. Inumpisahan ko na itong basahin

isa lang ang dapat, hindi dalawa,
pumili ng isa pero hindi ang nauna,
ang tunay ay nawalay, at ang huwad ay nasanay,
sa mundong magulo ay walang kamalay-malay,

sa isang araw ako'y magbabalik
sa piling nyo ako'y nasasabik
ang kukunin lahat ng dapat sakin
dahil ako ang tunay at ang dapat umangkin

sa araw na darating, aking titipunin
ang mga kalaban at aking tatalunin
maghanda kayo, sa aking pagdating
dahil ang araw na tyun ay anga king pag-ningnig

napahawak ako sa dibdib ko nang mabasa ko ang nilalaman ng sobre, himdi ito isang ordinaryong liham, dahil isa itong babala na isinulat patula. Ang batang yun, bakit nya ba to ginagawa ?

Nathan.

*bugsh * bugsh * bugsh*

Muli kong ikinasa ang baril na hawak ko at sunod-sunod na ipinutok iyon sa target. Nang maubos ang bala ay tinanggal ko na ang suot kong headset at unti-unting lumapit saken ang target ko kanina.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon