chapter 99

359 8 2
                                    

nathan.

nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pintuan na akala mo ay gusto na itong sirain ng taong kung sino man ang nasa likod nun.

' aish! sino naman ang taong mambubulabog ng ganito kaaga? ' i hissed to myself. sigurado ako na madaling-araw pa lang dahil hindi pa pumapasok sa bintana ang sikat ng araw.

muli sana akong babalik sa aking napakagandang tulog nang bigla na lang malakas na bumukas ang pinto at isang dalaga ang niluwa nito.

" bumangon ka na dyan, alam mo bang mauungusan ka ng mga kalaban mo kung patulog-tulog ka? " sermon niya habang naka-cross arm pa at naka-arko ang kaliwang kilay nya. aba sermon ang almusal ko ah.

napailing ako at muling dumapa, ano bang sinasabi nyang kalaban? tsaka ang aga-aga pa. kung iniintindi nya yung kalaban i can take all of them in one minute or less.

agad akong napadilat nang may humila sa kumot na pinantalukbong ko " what the hell is wrong with you?! " inis na sabi ko habang binibigyan sya ng nakamamatay na tingin

" hoy nathan! hindi porket engles yung sinabi mo hindi ko naiintindihan ah, sorry pero nag-aaral din kami no! tinuruan kami ni..."

" ni? " tanung ko dahil bigla syang natigilan. so? may nagtuturo pala sakanila? i mean ng english

" aish! basta! bumangon ka na dyan kung gusto mong makuha ang loob ni adonis, pero kung ay---"

" eto na babangon na " tumayo na ko mula sa pagkakahiga at agad na dumiretso papunta sa pinto palabas ng bahay pero bigla na lang akong hinila ni lisa kaya sinamaan ko sya ng tingin, nawiwili na tong batang to saken ah, hindi nya ba alam na mas matanda ako sakanya?

" sigurado ka bang lalabas ka ng ganyan? haharap ka kay adonis na hindi ka man lang nagpapalit ng damit? " dahil sa sinabi nya saka ko lang naisip na tama sya, kailangan ko ngang maligo.

tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa braso ko, kinuha ko na yung pantapis na ginagamit ko, yung alovera at yung sabon na sariling gawa ng mga taga-tribu.

" iiwan ko na muna dito yung susuotin mo! lalabas lang ako sandali " rinig kong sigaw ni lisa. hindi na ko sumagot pa at nag-umpisa ng maglinis ng katawan.

matapos kong maligo at masuot ang underwear ay nagtapis na ko saka lumabas ng banyo, duon ay naabutan ko si lisa na may kung anong inaamoy mula sa boteng hawak nya.

" oh! tapos ka na pala, amoyin mo to bilis ang bango " ngiting-ngiti na sabi nya habang inaamoy-amoy yung kung ano mang nasa bote na hawak nya.

naglakad ako palapit sa papag kung nasaan sya " akala ko ba pinagmamadali mo ko? " walang ganang sabi ko sakanya

" eto yung isuot mo, sigurado akong bagay to sayo " nakangiting nilapat nya saken ang damit na hawak nya.

" akin na isusuot ko na, ang daldal mo " sabi ko saka kinuha sakanya ang damit at pumasok sa banyo para maisuot yun.

nang lumabas ako ng banyo, nakita ko sya na nag-aayos ng mga gamit at nang lumingon sya sa direksyon ko " whoa! sabi na nga ba at bagay yan sayo e " tuwang-tuwa na sabi nya habang tumatalon-talon pa na tinitingnan ako habang umiikot sya saken.

" pwede bang pumirmi ka lang sa isang lugar, nahihilo ako sayo " reklamo ko sakanya, pero tulad ng parati nyang ginagawa ay hindi nya ko pinansin sa halip ay hinigit nya ko paupo sa papag at " sandali, anong---"

" aish! syempre dapat maganda ka kapag nakita ka nya ngayong umaga, wag ka na umangal " yun lang ang sinabi nya. at dahil medyo antok pa ko ay hinayaan ko na lang sya sa ginagawa nya.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon