chapter 104

452 13 7
                                    

third person.

" what do you think about this one?" tanung ni archie kay anna habang nakaturo sa isang sketch na nasa kaliwa.

" ummm... sa tingin ko mas magugustuhan nya to.. di ba nathalia?" tanung naman ni anna kay nathalia na abala sa kung anong tiningnan nito sa hawak na magazine.

" siguro.. pero sa tingin ko mas maganda kung yung sarili nyang design di ba? I mean, you know her, she wants something unique " paliwanag ni nathalia sa dalawa na agad namang sumang-ayon sakanya.

" so sina-suggest mo na sakanya mismo manggaling yung idea? Paano naten magagawa yun? Imposibleng gumawa sya para sa sarili nya " paliwanang naman ni archie.

" here " napakunot ang noo ni archie at anna nang may ilapag na sketchpad si nathalia. Kita ni nathalia ang pagtataka sa mukha ng dalawa kaya naman muli syang nagsalita " open it, you'll see " walang ganang sabi niya saka ininom ang tsaa nya.

Nagtataka man ay kinuha na rin ng dalawa ang sketch pad. Sabay nilang binuksan ito para tingnan ang laman at halos mapunit ang mga mukha nila nang makita ang sketch na nasa loob nito.

" jinjja?! Kelan nya to ginawa? " manghang tanung ni archie

" kung meron an tayo nito edi ito na yung ipagawa naten.. we still have a month di ba ? " ani naman ni anna.

" yeah.. actually gusto ko na talaga yan ipakita sainyo but you two are too busy looking at those trash " as usual ay cold na sabi ni nathalia. Natawa lang ang dalawa dahil parang si Nathan ang kaharap nila ngayon.

' kamusta na kaya sya?' yan ang nasa isip ng tatlong babae habang nakatingin sa kawalan.

--

nathan.

napahawak ako sa ulo ko nang sumidhi ang sakit sa sintido ko. damn, ano bang nangyare? napalingon ako sa kanan ko nang maramdaman kong may gumalaw at duon ko nakita si adonis na mahimbing na natutulog. nakaupo sya sa sahig habang nakapatong naman ang ulo nya sa gilid na bahagi ng hinihigaan ko.

hindi ko man nakikita ng buo ang mukha nya, alam king pagod sya sa pag-aalaga saken kagabe. bakit nya ba ginagawa to? dahil lang ba yun sa gusto nyang maikasal sa babaeng mahal nya? o talagang--. napailing ako para burahin yun sa isipan ko, hindi pwede yun.

" gising ka na pala.. kamusta na ang pakiramdam mo? " halatang antok pa na tanung ni adonis.

mula sa pagkakahiga ay naupo ako at ang isang to talagang tinulungan pa ko " ayos na ko.. salamat " sabi ko sakanya.

" walang lutuan dito kaya hindi kita mapaghahanda pero pwede naman akon-----"

" no need.. " natigilan sya sa pagtayo at lumingon saken. napakamot ako sa ulo ko nang maisip na hindi nga pala sya nakakaintindi ng english " ang ibig kong sabihin, wag na " sabi ko

" pero hindi pwedeng hindi ka kumain.. sandali lang ikukuha kita ng pagkai----" hinila ko sya pabalik para pigilan sya

pero ngayon pinagsisisihan ko na na ginawa ko yun dahil mukhang napalakas yung pagkahigit ko sakanya dahil bigla na lang syang bumalandra saken kaya ngayon ay nasa isang napaka-awkward na posisyon kami.

hindi ako makahinga, ramdam ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang gusto ng lumabas mula sa dibdib ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa.

i tried my best na lumayo sakanya pero wala rin dahil ako yung nasa ilalim nya. inangat ko ang kamay ko papunta sa balikat nya para itulak sya palayo pero hinawakan nya yun ng mahigpit.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon