chapter 78★

638 16 3
                                    

Thirdperson.

" where am I? Someone please answer me! Help me! " halos mamaos na ang batang si euriko sa kasisigaw, ilang araw na ang nakalipas mula nang kunin sya ng mga taong hindi nya naman nakikita. Ilang araw na pero wala pa rin ni isa ang kumakausap sakanya, darating lang ang mga ito kapag dadalhan sya ng pagkain ngunit may suot naman ang mga tao ng saklob sa ulo kaya wala hindi nya rin makilala ang mga ito.

Dahil sa masakit na ang lalamunan ay nagpasya ng maupo si euriko sa kamang naroon sa silid. Purong puti lang ang nakikita nya, puting kisame, puting sahig, puting kama, puting pinto na hindi nya naman mabuksan, puting kurtina na wala namang bintana sa likod nito at maging ang damit na suot nya ay purong puti rin na tulad ng suot ng mga pasiyente sa ospital.

" umma..appa " muli na namang tumulo ang mga luha nya nang maisip ang mga magulang na siguradong nag-aalala na sakanya. Batid ng bata na maaari talagang malagay sya sa sitwasyon na kinalalagyan nya ngayon dahil ang mga magulang nya ay kabilang sa isang maimpluwensya ngunit mapanganib na organisasyon, ang mga ganitong sitwasyon ang dahilan kung bakit sinasanay sila ng lolo nero at tita nathalia nila makipag-laban para mapagtanggol nila ang sarili nila.

Agad na napatayo si euriko nang mamatay ang ilaw sa silid.

" w-who's there?! " tanung ni euriko nang marinig na nagbukas ang pinto ng silid. Wala ni kahit na sinong sumagot sa tanung nya dahil ang tanging mga yabag lang naririnig nya.

Ilang sandali pa ay biglang na lang may taong sumakal sakanya. Pilit nyang tinatanggal ang kamay nito na mahigpit na nakakapit sa leeg nya ngunit malakas ito kaya wala syang nagawa kundi ang umalalay na lang sa kamay nito para di sya ganoong masakal

" l-let g-----"

" let go of him " dumagundong ang boses na yun sa buong kwarto, natigilan ang batang si euriko ganun din ang taong may sakal sakanya. " let go o pasasabugin ko ang ulo mo? " muling banta ng boses

Unti-unting naramdaman ni euriko ang pagbaba mula sa pagkakaangat ng taong sumasakal sakanya. Pabalya sya nitong inihagis sa isang sulok ng kwarto, kahit na madilim ay aninag nya ang bulto ng dalawang tao na nasa harapan nya ngayon.

" anong ginagawa mo dito? At bakit sinakal mo ang bata? Alam mo naman na hindi mo sya dalat pakialaman, gusto mo bang m----"

" mamatay? " pagtatapos ng taong sumakal kay euriko sa sasabihin sana ng taong bigla na lang sumulpot kanina

" alam mong hindi lang ang mafia ang tatapos sayo, maging ang empire tatapusin ka kapag pinatay mo ang bata " ani ng taong bagong dating

" tch. Maling bata naman ang nakuha naten kaya bakit gagawin ng alvarez yun? " ani nito

maling bata man, iisa pa rin ang dugong nananalaytay sakanya at sa kakambal nya kaya siguradong kung ano ang katangian ng isa, taglay nya rin, hindi pa nga lang nade-develop “ sagot ng isa

“ tch. Malaki ang kasalanan saken ng mga magulang ng batang yan, ayos na saken kung sya na lang ang kunin ko para maranasan nila kung anong pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay “ kalmado man ay bakas sa boses ng lalaki ang galit sa pamilya nila nathan.

hayaan mo na muna. Sa ngayon, kailangan na muna nating sumunod kung gusto naten na mabuhay, mahirap kalabanin ang alvarez maging ang mga jimenez “ paalala ng isang lalaki

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon