Chapter 66

932 19 5
                                    

Third person.

Mabilis ang pagpapatakbo ni steal sa motorsiklong gamit nya, hindi nya na inintindi ang mga pag-sita sakanya ng mga pulis na nasa check point na nadadaanan nya. Matiim lang syang nakatingin sa dinadaanan habang tila nakikipag-habulan kay kamatayan dahil sa pakikipapag-iwasan nya sa mga sasakyan. Hindi na kasi mahalaga sakanya ang kaligtasan nya, dahil sa ngayon ang tanging nasa isip nya lang ay mapuntahan ang lugar na itinimbre sakanya at mailigtas ang asawang si Nathan.

Mas binilisan ni steal ang pagpapatakbo sa motorsiklo nang Makita nya ang gate ng lugar na itinimbre sakanya ng spy nya na nasa Alvarez Empire. Walang pagdadalawang isip na bininangga nya ang kanyang motor sa gate ng malaking warehouse dahilan para mabuksan ito at tuluyan syang makapasok sa loob.

Inihinto ni steal ang motor at agad na nilibot ang paningin sa lugar, tahimik ito at wala kang mababakas na tao sa paligid pero kahit ganun, malakas ang pakiramdam ni steal na sa lamang iyong palabas. Iknasa nya ang scarlight na dala nya, bumaba sya sa motorsiklong sinasakyan at naglakad papasok sa warehouse

Hindi pa man sya tuluyang nakakapasok ay may agad ng nagpaputok kaya mabilis syang kumlos at nagtago sa pader na malapit sakanya, tumigil ito sa pagpapaputok kaya sumilip sya at nang maaninag ang bulto ng isnag tao ay agad nya itong binaril.

Tumigil ang pagpapaputok ng baril kaya lumabas sya sa pinagtataguan at maingat na lumapit sa direksyon kung saan nya nakita nag taong binaril kanina. Nang tuluyan nang makalapit ay agad syang napamura nang Makita kung sino ang nabaril nya agad syang naupo at kinausap ito " nasan sila?" tiim bagang na tanung ni steal sa kanyang tauhan na syang nagmamatyag sa alvarez

" a-alam n-nila ang lahat.. *cough* dinala nila ang empress sa----* bugsh*" nagulat si steal nang may bigla na lang bumaril sa ulo ng lalaking kausap nya na naka-handusay sa sahig, babarilin nya sana ang lalaking may gawa nun pero

" wag kang gagalawa, kung ayaw mong ang ulo mo naman ang susunod kong pasabugin" sabi ng boses mula sa likuran nya, naramdaman nya ang pagdikit ng nguso ng baril nito kaya hindi sya kumilos " sa tingin mo ba hindi namin malalaman na may espiya ka samen? Hindi kami tanga" mayabang na sabi nito

Mula sa mausok na bahagi ng bodega ay may lalaking naglakad palapit sa kinaroroonan nila " wala ka ng kawala samen ngayon Argel Steal McQueen " inangat ni steal ang mukha nya para Makita ang taong nagsalita, nakangisi ito habang nakatingin sakanya. Lumingon sya sa paligid, hindi lang dalawa ang mga taong kasama nya dahil ngayon ay mahigit sampu na ang mga ito

" alam mo bang matagal na naming hinihintay ang pagkakataon na to? Mapapatay ka na rin namin ngayon, pero wag kang mag-alala, dahil susunod din naman ang pamilya mo sayo " sabi nung lalaking nasa likuran ni steal " wala ka bang sasabihin bago ka mawala ? " tanung nito

"buti natanong mo yan, kasi meron " kampanteng  sabi ni steal

" ano ba yun ? sabihin mo na" nakangising sabi nito, nagtawanan naman ang iba pang tao na nanduon.

" gusto ko lang sanang sabihin na.. hindi pa ngayon ang oras ko " mabilis na kumilos si steal, agad nyang hinawakan ang kamay ng lalaki mula sa likuran nya at saka tumayo at umikot dahilan para magkapalit ang pwesto nila ng lalaki kanina, ito na ngayon ang nasa unahan nya habang hawak nya ang kamay nito na may hawak na baril.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon