Chapter 85

657 12 4
                                    

Nathan.

Ilang buwan na ang nakakalipas. At sa ilang buwan na yun ay madaming bagay ang nangyare, mga magaganda at medyo masama pero lahat yun ay maayos na nalagpasan ng pamilya namin at mga kaibigan. Masasabi kong unti-unti ng natatahimik ang buhay namin pero syempre, mafia kami kaya naghahanda pa rin kami sa kung ano man ang pwede pang mangayre

Isang katok ang narinig ko mula sa pinto ng opisina ko, nandito ako ngayon sa boutique at kasalukuyan ako ngayong nananahi ng gown na pinagawa saken ni nathalia para sa kasal nila ni Jackson. Oo, tama kayo ng dinig, ikakasal na nga si Jackson at nathalia. Mabilis ang mga pangyayare pero masasabi kong ayos na rin yun dahil nakikita ko naman na masaya talaga sila sa isat-isa.

“ pasok “ sabi ko nang hindi man lang tinatanggal ang atensyon sa gown na maayos na naka-lagay na manequine na nasa harap ko habang maingat na kinakabit ang mga desenyo nito.

Rinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pinto pero masyado akong abala sa ginagawa ko kaya hindi ko na rin ito pinansin pa, hinintay ko lang na magsalita ang kung sino mang pumasok. Ilang Segundo ang nakalipas ay wala akong narinig na nagsalita kaya naman pumihit na ako para harapin ang taong yun pero

“ hi “ sabi nya habang malapad na nakangiti dahil sa tagumpay ng kalokohang naisip nya.

“ hokage ka talaga e no?” sabi ko sakanya na medyo tinulak pa sya palayo saken pero mas hinapit nya lang ako palapit sakanya at saka pinatong ang ulo nya sa kanang balikat ko “ hoy! Kung matutulog ka wag sa balikat ko.. dun ka sa sofa “ saway ko sakanya na tinatapik pa ang likod nya

“ shhh… I’m too tired anae “ pakiramdam ko ay nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko dahil sa pagbulong nyang yun.

I hardly close my eyes para ibalik ang sarili ko sa tamang postura “ then sleep on the couch.. mas mahihirapan ka kung sa balikat ko ikaw matutulog di ba?” sabi ko na lang

Mukhang umepekto naman yung sinabi ko dahil tinanggal nya yung pagkakapatong ng ulo nya sa balikat ko pero sa halip na pumunta sa couch ay hinawakan nya ang mukha ko at saka pinagdikit ang noo namin.

“ what the-----“ hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil mabilis nyang nilagay ang hintuturo nya sa labi ko

“ shhhh… I’m charging “ bulong nya, this guy aish. At dahil nga magkadikit ang mga noo namin at sobrang lapit ko sakanya, kitang-kita ko ang pagod sa mukha nya, medyo may eyebags na sya pero hindi naman yun nakabawas sa kagwapuhang taglay nya. Iba talaga kapag pinanganak ka ng gwapo e, kahit anong gawin hindi manlang pumapanget o nababawasan.

“ I know i’m too handsome anae.. but just lookin’ at me is not enough “ nagbalik ako sa katawang lupa ko nang bigla na lang syang magsalita. Hindi na pala magkadikit ang mga noo namin dahil ngayon ay cool na cool syang nakatayo sa harap ko habang nakangising nakatingin saken

Kusang umarko ang kanang kilay ko dahil sa kahanginang dala ng loko na to, napapailing na tiningnan ko sya “ tss. You’re too full of yourself mister “ sabi ko at saka muling bumalik na sa ginagawa ko pero bigla na lang may malaking kamay ang humigit sa bewang ko kaya ngayon ay napaharap ako sakanya

“ why are you doing this to me misis? “ hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan nang halos paos na sinabi nya yun, idagdag mo pa na sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa. D*mn this guy

I composed myself and I slightly pushed him but it’s no use kaya naman napabuntong hininga na lang ako. I look at him saka inarko ang kanang kilay ko “ I’m doing nothing mister “ I said while flashing my most sarcastic smile.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon