chapter 34

2K 82 16
                                    

Third person.

Lumabas ng kwarto ng kwarto si nathan, nakatulog na ang anak kaya lumabas na sya. Gabi na pero hindi pa rin sya dinadalaw ng antok at dahil yun sa pagkalitong nararamdaman nya ngayon. Naisipan nyang lumabas na muna para magpahangin, marahil sa paraan na yun ay dalawin sya ng antok kaya naman naglakad-lakad sya sa malawak na buhangin malapit sa dagat.

Malamig ang hangin na tumatama sa balat nya, ang amoy at ang alon ng dagat ay parang isang lullaby na nagpapakalma saknaya, ang mga buhangin na nadarama nya sa kanyang talampakan ay parang malalambot na ulap na nagpapagaan ng loob nya. It feels so great, mapayapa ang nararamdaman nya hindi tulad kanina na gukong-gulo sya.

Nang mapunta sya sa bandang dulong bahagi ng beach, ay naupo sya sa buhanginan at pinagmasdan ang mapayapang karagatan na nasa harap nya ngayon. Walang tao sa paligid kaya pakiramdam nya ay sakanya ang buong lugar. Ipinikit nya ang mga mata at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa balat nya. Ganito rin noon, sa ilalim ng maliwanag na buwan, pinagmamasdan nya ang mapayapang karagatan, dinadama ang malamig na simioy ng hangin, pero hindi tulad noon, nag-iisa lang sya ngayon, mag-isa nya lang pinagmamasdan ang karagatan, wala ang mga bisig na pumuprotekta sakanya at nagbibigay ng init sakanya panangga sa lamig.

Natigilan si nathan at agad na napalingon nang may bigla na lang may mainit na bagay ang pumatong sa balikat nya. The guy smiled at her at naupo sa tabi nya.

" what are you doing here ?" tanung nya sa binatang dumating. nakangiting pinagmasdan lang sya nito na para bang hindi sya nag-tanung rito. " tss. I'm asking you, what are you doing here ? " medyo inis na ang boses nya ng tanungin muli ang binata. muli namang ngumiti ang binata at binalingan ang karagatan

" I just miss here. ikaw ba ?" balik na tanung nito sakanya habang nakatingin sakanya ng may ngiti sa mga labi, ang mga tingin nito sakanya, parang may nais yung sabihin. dahil naiilang sya rito kaya umiwas sya ng tingin para balingan ang karagatan na kanina ay pinagmamasdan nya.

" hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok kaya nagpahangin muna ako " sagot nya rito. tumango lang ang binata sa sinabi nya. ilang minuto pa silang nanatiling tahimik, yung tipong ang ihip ng hangin at alon lang ng karagatan ang maririnig sa paligid.

" do you remember everything happens here ? noong nasa high school pa tayo, we used to be here together with others. at dito rin tayo noon nagpupunta sa tuwing gusto nating malayo sa magulo nating buhay, ikaw, bilang mafia at ako naman bilang president ng kompanya, yung mga oras na magkasama nating pinagmamasdan ang napakagandang lugar na to, sabay at magkayakap nating dinadama ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa mga balat naten. those things... I really miss them " basag nito sa katahimikan na bumabalot sakanila

walang masabi si nathan, hindi nya alam kung sasang-ayon ba sya sa sinabi nito dahil yun ang mga bagay na iniisip nya kanina nung nag-iisa sya, lahat ng mga alaala na sinabi ng binata ay ang mga bagay na na-mimmiss nya, pero ang sabihin ang totoo rito ay hindi nya kaya

'Umma, i want you to become honest to yourself, don't make your life misserable and lonely again. i want you to be happy, because i love you'

muling um-echo sa isipan nya ang mga bagay na sinabi sakanya ng anak na si eurie kanina. be honest to yourself. ang mga sinabi nito ay talagang tumama sa puso nya, alam nya sa sarili nya ang totoo, pero natatakot syang sabihin o ilabas yun dahil hanggang ngayon ay takot syang muling masaktan ng taong pinakamamahal.

" you don't have to answer it, alam ko naman na kung anong isasagot mo " napalingon si nathan sa katabing binata nang sabihin nito iyon. " I'm going now.. baka hanapin tayo ng mga bata " matapos sabihin yun ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo at akma na sanang lalayo pero hinawakan nya ang kamay nito para pigilan ang binata sa pag-alis

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon