CHAPTER 110

394 13 3
                                    

Third person.

“ good morning empress “ bati ni august kay nathan na dire-diretso lang na pumasok sa loob ng opisina nito. Hinubad ni nathan ang suot na trench coat, sinabit yun at saka naupo sa swivel chair.

“ nagawa mo ba ang pinapagawa ko sayo? “ tanung ni nathan kay august

“ yes empress “ sagot naman ni august saka inilapag sa lamesa ang isang itim na folder “ yan ang mga nakalap naming impormasyon sa ngayon “ dagdag ni august

“ kung ganun halos dalawang taon na pa lang nandito si mika. And we don’t have any idea about it “ sabi ni nathan habang binabasa ang mga dokumentong binigay sakanya ni august “ alam ba ni dad ang tungkol dito? “

Napaayos ng tayo si august dahil ngayon ay nakatingin na sakanya si nathan, yung tingin na nagsasabi na dapat ay sabihin nya ang totoo kundi mamatay sya ora mismo “ h-hindi po alam ng head emperor ang tungkol kay mika pero…”

“ pero? “ cold na tanung ni nathan habang naka-arko ang kaliwang kilay nya na nakatingin sa sekretarya na mukhang may nais pang sabihin

“ ang tito nero nyo, sya ang nakakaalam na buhay si miika… itinago nya yun para maisagawa ang plano nilang maitago si steal, para malaman ang iba pang transaksyon ng predator at ng iba pang kalaban na organisasyon na nandito sa pilipinas “ mahabang lintaya nito

“ i-iba pang organisasyon? Ang ibig sabihin---”

“ yes… hindi na lang ngayon ang predator ang kalaban ng mafia.. dahil nakapasok na rin sa bansa ang Sakura at Navenia “ sagot ni august

Ibinaba ni nathan ang hawak na dokumento saka pumikit at napahinga ng malalim. Hindi nya alam pero kinakabahan sya sa mga bagay na nalaman nya ngayon, hindi pa nga nila nahuhuli ang pinuno ng predator na si Donny, tapos ngayon naman malalaman nyang nasa bansa na ang dalawa pang malalaking organisasyon na kinakalaban sila? Ano na lang magiging buhay ng mga anak nya ngayong napaliligiran sila ng mga walang pusong organisayon?

Third person.

“ na-locate na namin si Donny, nasa isang isla sya sa Mindoro “ pagbibigay alam ni Jeremy kay steal na ngayon ay may binabasang dokumento na ipinaasikaso nya kanina kay haruu

“ ganun ba “ yun lang ang sinabi ni steal na hindi manlang binalingan ang kaibigan na nasa harapan nya

“ argel, are you okay? If you’re worried about your family’s sec----“

“ I can’t help it… you know, napilitan akong malayo sa pamilya ko this whole time para lang masiguro na ligtas sila pero nagawa pa ring makalusot ng mga gago na yun… I thought they will keep their hands off in this matter pero hindi rin pala… those bastards..” naikuyom ni steal ang kamay

Naiinis sya sa sarili, sinisisi nya ang sarili dahil hindi nya nagawang mapigilan ang pagdating ng mga kalaban nila. pakiramdam nya ay nabalewala ang pagsasakripisyo nila na malayo sa pamilya nya. Ngayon tuloy, nanganganib na ang buhay ng buong pamilya nila.

“ don’t blame yourself, sa dami ng mga bagay na inaasikaso mo talagang posible na mangyare yun.. hindi mo pwedeng hatiin ang katawan mo para maasikaso mo ang kompanya at ang mafia.. I know everyone will understand you “ yan ang mga sinabi ng kaibigan ni steal na si Jeremy na tumanim sa utak nya hanggang sa matapos na ang oras ng trabaho nya.

Ipinarada ni steal ang kotse nya sa parking ng bahay nila. Bumaba na sya ng kotse dala ang gamit nya “ good evening emperor “ sabay na bati ng dalawang butler na nasa tapat ng entrance ng bahay nila. Hindi sya naglalagay ng butler o gwardiya sa bahay nila pero dahil sa sitwasyon na kinalalagyan nila ngayon ay napilitan na rin sila para sa kaligtasan ng mga anak nila.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon