CHAPTER 90

571 12 4
                                    

" saan mo dinala ang kapatid ko? I want to see her " tiim bagang na tanung ni Nathan sa kapitan ng mga pirata na si Shin woo, isa ito sa mga taong iniiwasan ng mafia, hindi dahil sa takot sila sa mga ito dahil ang tanging dahilan lang naman ng pag-iwas nila ay para mapanatili ang kapayapaan sa karagatan at mga daungan.

Kapitan na ng mga pirata si shin woo sa murang edad pa lang, kita sa itsura ng binata na isa sya sa pinaka-makapangyarihang pirata at mangangalakal, isa itong matipuno, matalino ngunit tulad ng mga matagumpay na pinuno ng bawat organisasyon ay wala din itong awa, walang habas itong papatay para lang sa kapangyarihan, para lang maipamukha sa lahat na sya ang pinaka-malakas at walang makakatalo sakanya, wala ni kahit na sino lalo na ang babaeng kaharap nya ngayon.

" gusto mo ba talagang Makita ang kakambal mo ?" walang emosyong tanung ni shinwoo kay Nathan habnag diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga ngunit wala ni kahit na anong naging sagot si Nathan rito " Bagsik! Dalhin mo rito ang kakambal ng empress " sigaw nito na sapat lang ang lakas para marinig yun ng taong nasa labas.

Agad na patayo sa kinauupuan nya si shinwoo nang malakas na bumukas ang pinto.

" what the hell is happening ?" tanung nya sa tauhan na hingal na pumasok sa silid na kinaroroonan nila

" captain! Ang mafia ... Bigla na lang sumugod dito " humahangos na sabi ng tauhan nito.

Sabay na napatingin si shin woo at ang tauhan nito kay Nathan na bigla na lang tumawa sa kabila ng pagkakagulo ng mga tao sa labas ng silid.

" you're happy? Huh?" sarkastikong tanung ni shin woo kay Nathan na nakagapos sa isang sulok ng kwarto.

" yes.. of course... sino bang hindi di ba? Natatakot ka na ba ngayon huh? Mr. captain?" tanung ni Nathan matapos sagutin ang sarkastikong tanung ng binata.

Mas nainis si shinwoo nang sumilay ang mapangasar na ngisi sa mga labi ni Nathan kaya sa inis nya ay marahas na hinatak nya ito sa braso patayo sa kinauupuan nito. Wala na sya ngayong pakialam kung masaktan nya ang dalaga.

Himbis na dumaing sa sakit ng pagkakahatak, mas pinili ni Nathan na mas asarin pa ang binata " I told you... you can't beat us " nakangising sabi nya rito dahilan para mas lalong umigting ang bagang nito sa sobrang inis.

" don't challenge me empress... hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sayo " sa haba ng oras na nakasama nya ang kapitan ng mga pirata na si shinwoo ay ngayon lang nakaramdam si Nathan ng takot at panlalambot ng tuhod mula rito. sa paraan ng pagkakasabi ng binata ay tila nagising ang mga dagang matagal ng natutulog sa dibdib ni nathan, lalo na nang matitigan nya ito sa nga mata.

Kahit na natakot ay pilit na itinago ni Nathan ang emosyong yun, dahil sa mga oras na ito, hindi nya kailangang magpakita ng kahit na anong kahinaan sa taong kaharap nya kaya isang nakakalokong ngisi ang tinugon nya sa sinabi nito " I am absolute... mafia will defeat you and those fvcking predators"

hindi inaasahan ni nathan ang naging reaksyon nito, dahil isang malakas na tawa ang pinakawalan ng kapitan " SERIOUSLY?! DO YOU REALLY BELIEVE THAT ? YOUR HUSBAND WILL NEVER GET YOU BACK EMPRESS..." matapos sabihin ng binata yun ay ang sya namang biglang pagkasira ng pinto ng silid na kinaroroonan nila.

" WHO THE HELL DID----" hindi na natuloy pa ni shinwoo ang sasabihin nang mabilis pa sa kidlat na nilapitan ito ng taong may gawa ng kumusyon. malakas na tinadyakan nito si shinwoo na tumulpit kasama si Nathan pero agad ding may kamay na humila sa dalaga na hinigit sya pakulong sa mga bisig nito.

Hindi man Makita ni Nathan ang nangyayare dahil sa makapal na usok na mula sa kung saan ay ramdam nya kung sino ang nagmamay-ari ng mga bisig na ngayon ay protektadong nakayakap sakanya. Hindi sya pwedeng magkamali dahil isang tao lang naman ang kayang magparamdam sakanya ng seguridad.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon