chapter 59

890 26 3
                                    

Nathalia.

" umma, do we really need to stay in lolo's house? We want to stay here " malambing na sabi ni euriko saken habang nakayakap pa sa bewang ko, nakahiga kami ngayon sa kama nila dahil oras na para matulog sila.

" you know the reason why we need to be apart for awhile right? Tsaka isa pa, nandun din naman si andrew para makasama nyo e kaya siguradong di kayo mabo-bore duon" sabi ko habang sinusuklay ang buhok nya gamit ang daliri ko

" when does it stop? The war between mafia? Can we end it? " natigilan ako nang marinig ko ang tanung na yun mula sa batang ito. Tama sya, hanggang kailan nga ba matatapos ang laban sa pagitan namin? Sa pagitan ko at ni nathan.

" do you really want to end it? " i asked, tumango naman sya. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo " i will going to end this war, i promise that " naramdaman ko na mas humigpit ang pagkakayakap nya saken mukhang napanatag na ang loob nya

I want to end this war, but some part of me was telling me not to, because of nathan, simula pa man noon, palagi na syang sumasagi sa isip ko, palagi syang kasama sa mga bagay na ginagawa ko, palagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam na kasama sya, ngunit kapag nakikita ko sya, lahat ng sakit at lumbay ay bumabalik saken, lahat-lahat. Lalo na ang pagpapabaya saken ni aboji.
Alam ko ang buong kwento tungkol sa pagkatao ko, lumaki ako na alam ko ang lahat ng nangyayare sa montero at sa mafia, kung ano ang dahilan kung bakit hindi ko kasama ang mga magulang ko, ang pamilya ko, kung bakit ako lumaki na malayo at salat sa pagmamahal nila.
Masakit saken na tanggapin ang katotoohanan lalo na't alam ko na ako ang totoong bunga ng pagmamahalan ng mga magulang ko, na akong binuo ng pagkakataon at hinubog para mamuno sa mafia ngunit sa huli, ako ang inilayo at nagsilbing anino ng kakambal ko na nabuo lang dahil sa siyensya.

Si nathan, ang kakambal ko na ginawa para maging anino ko ngunit nagkapalit kami ng sitwasyon. Si nathan na nakakuha ng pagmamahal mula sa mga magulang na syang bumuo saken, ang pagmamahal na wala at salat ako. Si nathan na sinanay para mamuno sa mafia na dapat sana ay ako, at ngayon, si nathan na kinikilala ng buong mundo bilang empress ng mafia na dapat sana ay ako

Natupad ko na ang gusto ko, nabawi ko na kung ano ang akin, ngunit alam ko, sa mata ng ibang tao isa akong masama at walang pusong nilalang dahil inagaw ko ang buhay ng kakambal ko na dapat naman talaga ay saakin at hindi kanya.
Naalala ko ang sinabi ni lolo saken noong panahong sinasanay ako ni tito nero kung paano makipag-laban,kung paano pumatay, kung paano ipag-tanggol ang sarili ko at kung paano mamuno ng isang organisasyon tulad ng mafia at ng montero.

Habang nagsasanay ako noon, isang matandang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa silid kung saan ako nag-aaral na mag-assemble ng baril, nang maramdaman ko ang presensya nya ay agad kong ikinasa at tinutok sakanya ang baril na inayos ko

" magaling, totoo nga ang sinabi ni nero, magaling ka nga " matigas, maawtoridad at malamig ang boses nya, katulad yun ng boses ni tito nero at ni aboji ngunit tulad ng dalawa, iba pa rin ang boses ng matandang ito

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon