Chapter 74

938 18 1
                                    

Nathan.

" let's call it a day " sabi ko sa kanila. Lahat naman ng nandito sa loob ng conference room ay nagsitayuan at yumuko bago tuluyang umalis. ' Hay finally ' nasabi ko sa sarili. naupo ako sa upuan at napasapo sa ulo ko na kanina pa bahagyang kumikirot.

" empress, may tawag po kayo " nilingon ko si august, binigay nya saken ang phone ko kaya kinuha ko yun at sinagot ang tawag.

" yes? " tanung ko sa kung sino man ang nasa kabilang linya, I don't have time para tingnan pa kung sino ang tumatawag kaya basta ko na lang yun sinagot.

" Mikael where are you?! We need you here " hindi man magpakilala ang isang to ay kilalang-kilala ko na kung sino sya, ang boses at ang reklamo nya pa lang matik na.

" vans, I will be there in three hours " sagot ko sakanya.

" what?! Three freakin' hours?! Mikael naman e, bilisan mo na dyan hindi ko na kayang tagalan ang isang to " gusto kong matawa dahil nai-imagine ko ang mukha ni vans na nagmamakaawa but hindi ko magawa dahil I'm too tired for that.

" aish! Fine, isang oras, give me one hour ok? Goodluck " matapos kong sabihin yun ay pinutol ko na ang linya. Hay bakit ba nakakapagod ang araw na to ?

" empress, are you ok ?" tanung ni august.

" honestly? I'm not " sagot ko sakanya. Tumayo na ko mula sa pagkaka-upo at tuluyan nang nilisan ang conference room. Habang binabagtas namin ang daan papunta sa opisina ko ay ang pag-yuko naman ng mga empleyado na nadadaanan naming.

" thank you " sabi ko kay august nang buksan nya ang pinto para saken bago ako pumasok sa loob " how many meetings left?" tanung ko sakanya nang makaupo na ko sa trono ko.

" Ten empress " napasapo ako sa ulo ko nang marinig yun, napakadami pa pala. As far as I remember pang-walong meeting ko na yung kanina but I still have ten meetings to attend? What the fudge.

" at 7pm with mr. handrekson to discuss our partnership with his company, 7:35pm with professor Francis for the confirmation of his new invented weapon, 8:15 with ------"

" enough " nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nya nang putulin ko ang pagsasalita nya kanina. " call adeline " mula sa gulat na reaksyon nakita ko ang pagkunot ng noo ni august nang marinig yun

" but empre----"

" call her, now " matapos kong sabihin yun ay wala na rin syang nagawa kundi ang sundin ang inutos ko. Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng kalabog mula sa labas ng opisina, mukhang nandito na sya

" this is not a good idea empress " rinig kong sabi ni august.

" but I don't have any choice " sabi ko habang nakatingin sa pinto ng opisina ko. At maya-maya pa ay isang malakas na kalabog ang narinig namin at kasabay nun ay ang paglipad ng makapal at malaking pinto ng opisina papunta sa direksyon namin. August was there to dodge the flying door at ako naman ay napayuko na lang para hindi matamaan nun.

Dinig ko ang sirena ng mga sasakyan na siguradong nabagsakan ng pinto nang lumabas ito sa full glass ng opisina ko. Mukhang gagastos na naman ako ng Malaki para sa mga danyos at pagpapagawa ng opisina ko ah.

" hi empress " nakangiting bati nya saken habang tila ahas na nakapulupot sa kanang braso ni august na hindi naman maipinta ang mukha.

" hi adeline, alam ko naman na alam mo na kung bakit kita pinatawag di ba ?" sabi ko sakanya.

Ngumiti naman sya saken at tumango " well, isa lang naman kasi ang dahilan kung bakit mo ko pinapatawag. So what now? Sobrang importante ba ng lakad mo para maatim mong ipatawag ako dito sa napaka-gwapo mong sekretarya? Awwww.. ang gwapo-gwapo mo talaga agosto " cute na sabi nya habang tinutusok-tusok pa ang pisngi ni august.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon