chapter 35

2.1K 80 18
                                    

nathan.

" see you later kuys " muling paalam ko sa kamabal na kasabay si andrew na pumasok sa loob ng malaking gate ng McQueen Academy. " let's go " sabi ko sa driver ko kaya naman binuhay na nito ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis.

" nandito na po tayo empress " tinanggal ko ang earphone na nakasalpak sa tenga ko at lumabas na ng kotse. kaagad na nagsi-yuko ang mga taong sumalubong saken " good morininng empress " sabay-sabay na bati ng mga ito. as usual ay dinaanan ko lang sila at diretsong pumasok sa loob ng building

" anong mga gagawin ko sa araw na to august ?" tanung ko sa lalaking naglalakad katabi ko. pinauna nya akong pumasok sa elevator nang bumukas ito at saka sya sumunod.

"ngayong araw, makikipagkita po kayo mr. Salazar para sa investment nyo sa project nya, tapos mamayang tanghali, dapat ay magkakaroon kayo ng lunch with mr. Gonzales pero kinan-cel yun ng daddy nyo dahil kailangan nyo daw na pumunta sa UC para sa mahalagang kaganapan mamaya " sabi nya. at nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad na kaming lumabas at dumiretso sa opisina ko

" kung ganun ? wala akong gagawin mamayang gabi ? " pagkukumpirma ko. base sa mga sinabi nya kanina, wala akong schedule mamaya, magkakaroon pala ako ng mahabang oras para makasama ang mga bata, mabuti na lang pala.

" opo, kaya siguradong masayang-masaya ang kambal dahil muli nyo silang makakasama ng matagal " nakangiting sagot ni august. ngumiti lang din ako at naupo na sa swivel chair ko. lumabas na si august at pareho na kaming nag-umpisang magtrabaho.

habang pinipirmahan ang mga dokumento na kailangan kong mapirmahan ay hindi mawala sa isip ko ang mga nangyare, dalawang linggo na rin ang nakakalipas, kung paanong iniwan kami ni steal sa laguna, na nag-iwan lang ng note na nagsasabing nauna na sya dahil may mga bagay pa syang kailangang asikasuhin. hindi ba makakapag-hintay ang bagay na yun kaya nagawa nya kaming iwan ng mga anak nya ? arghh kapag naiisip ko talaga ang bagay na yun mas napipika ako ee.

at ang pinaka-kinaiinisan ko, matapos ang gabing yun,hindi ko na sya muling nakita, pinuntahan ko sya sa bahay nila, kahit na sobrang nahihiya talaga ako nung tinanung ko sya kay archie, sa condo nya, sa opisina pero lahat ng taong napag-tanungan ko, sinabing nandun daw pero umalis din. nakakaloko di ba ? tinataguan nya ba talaga ako ? nakakainis

*knock knock*

" empress, oras na para kitain nyo si mr. Salazar " sabi ni august kaya naman nag-handa na ako. wag ko na lang muna sigurong isipin si steal, may mga bagay pa akong kailangang asikasuhin maliban sa hanapin sya, halos dallawang linggo ko ng pinipilit na kausapin sya pero sya naman itong lumalayo and I think that's enough for me to go back to my real duty.

archie.

" saan ka pupunta ?" napalingon ako nang biglang may nag-salita " sorry, hindi na ako kumatok, bukas na kasi yung pinto, kaya pumasok na ako " sabi nya at naupo sa kama ko " so ? saan naman pupunta ang maganda kong anak at bihis na bihis ka ?" muling tanung nya pero ngayon ay nanunudyo na ang tono nya

I smile at her at ipinakita ang damit ko " bagay ba mom ? do I look like a woman in this dress ?" tanung ko sakanya, habang mino-model ang white fitted pencil cut red dress na above the knee na suot ko ngayon.

" well, actually yes, you look like a woman in that dress, but.. don't you think it's kind of revealing? " komento nya. kunot noong humarap naman ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. mukhang tama si mom pero ito kasi yung klase ng damit na nakikita ko na suot ng mga babae and they look gorgeous wearing like this. pero bakit saken, parang hindi ata bagay ? parang trying hard ako ? nah! I hate this

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon