Chapter 64

1.1K 31 14
                                    

Third Person.

" that's all for t------" napalingon ang lahat ng tao sa conference room nang malakas na bumukas ang pinto at isang hingal na lalaki ang niluwa nun

" empress, ang mga bata -----" hindi pa man natatapos ang sasabihin ng binata ay agad nang tumakbo hindi lang si nathalia, kundi pati na rin ang mga don na nanduon sa meeting palabas ng conference room

Hindi na nilanagawang sumakay ng elevator dahil mas pinili na nilang dumaan sa hagdan para mas mapabilis ang pagbaba sa ground floor at nang makarating dun ay agad na silang sumakay sa kanya-kanya nilang sasakyan at pinaharurot ang mga yun.

At gamit ang impormasyon na nakuha nila mula sa sekretarya ni nathalia ay nasundan nila ang van kung saan siguradong laman nun ang kambal.

" we need to separate " sigaw ng binatang si haru. Agad naman na nag-iba ng direksyon ang lahat, ang naiwan na lang na sinusundan ang van ay si warren, si nathalia at si haru.

Matiim na nakatingin lang si nathalia sa van na malapit na nilang maabutan. Mas binilisan pa ni nathalia ang pagpapatakbo hanggang sa mapantayan nya na ang kulay puting van.

" boss may sumusunod saten " sigaw ng isa sa mga lalaking nasa loob ng van.

" umma! " sigaw ng batang si euriko nang makita ang taong nasa labas ng van na nakasakay sa motor.

" tumahimik ka " sigaw ng isa sa mga lalaking nagbabantay sa mga bata. Tumahimik naman ang batang si euriko dahil sa takot sa lalaking nanigaw sakanya

" hoy! Ano ba? Ayusin mo nga ang pagda-drive mo?! Papatayin mo ba kame ?" sigaw ng boss ng mga taong kumidnap sa kambal

" pasensya na boss. Meron po kasing biglang humarang sa danaan naten " paliwanag ng nagda-drive ng van

" ano? Sagasaan mo. Hindi pwedeng mahuli tayo sa oras, kaya kung may sagabal itumba nyo kesa tayo ang itumba ng nasa taas " sigaw nito.

Mabilis naman na sinunod ng lalaking nagda-drive ang sinabi ng boss nya, agad nitong inapakan ang gas pero lahat sila ay natigilan nang hindi umandar ang sasakyan. Ilang sandali lang ay marahas na bumukas ang pinto ng van na naging dahilan ng pagkakagulo ng mga tao na nasa loob

Agad na hinila ni haru ang kambal na hawak ng mga lalaking kumidnap sa mga ito. " are you guys ok?" tanung ni haru, tumango naman ang mga bata. Agad na kinuha ni haru ang telepono para tawagan ang kanilang back up.

Warren.

Nang mabuksan ko ang pinto ay agad na hinanap ng mga mata ko ang kambal pero bigla na lang may tumadyak saken kaya napaatras ako, nakita ko naman na nakuha na pala ni haru ang kambal kaya muli kong binalingan ang mga tarantado na to na ang lakas ng loob na kalabanin kami.

Tumakbo ako ng mabilis para maabutan ang dalawang lalaki na tumatakbo palayo, hindi pwedeng may makatakas sakanila ni isa. Nang maabutan ko sila ay hinila ko ang kwelyo ng mga jacket na suot nila kaya nadapa sila. Tinadyakan ko ang isa kaya natumba ito. Naramdaman ko naman na susugod saken ang pangalawa kaya agad akong humarap at binigyan ng napakalakas na suntok ito.

Take The Empress' Heart BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon