"A good angle is the key." Saad niya.

Pagka-tanggap niya ay kaagad niyang kinalikot ang cellphone at pinagbubura niya ang litrato na naroon siya. Pagkatapos ay ngumiti na siya para kuhaan ang pamilya na naka-position na roon sa harapan niya. Ilang shots din ang ginawa niya bago niya ibinalik iyon sa may-ari.

"Andito ka lang pala." Anas ng amo niya na kalalabas lang. "So, you've found my mom's fire lilies. They're beautiful, right?"

Nilingon niya ang lalaki na matamang nakatingin sa mga bulaklak.

"I didn't know that there is something else that can amaze you other than beautiful women, Mr. Devereaux."

Napabaling naman ang binata sa kanya habang naniningkit ang mga mata.

"Why do you always think the worst of me, woman? Ganoon ba ako kasama sa paningin mo?" Halatang nainis dahil sa sinabi niya.

"Don't take it too personally, Sir." Bawi niya agad. "It's not just you." At saka siya bumaling sa harapan para tanawin ang malawak na hardin. "I grew up, thinking the worst in people. That we are all capable of doing something unimaginable, something inhumane. That there are no good people but only lesser and greater evil." Muli siyang bumaling sa lalaki. "And you belong to the lesser ones, while I belong to the-"
Hindi na naituloy ni Taniesha ang gustong sabihin at nagkibit balikat na lang.

"Why do you always have to be so serious, Taniesha? Ni hindi pa kita nakikitang ngumiti kahit minsan. What's with you being so stiff?"

"That's what you called being myself." Aniya at saka naglakad lakad na sa paligid. "Bakit dito nagtanim ng fire lilies ang mama mo? Bakit hindi sa garden ng mansyon niyo?" Pag-iiba niya sa usapan.

Sumusunod lang sa kanya si Dev habang nakatanaw rin sa mga bulaklak.

"Because she wanted to share this beautiful creation to others. Sobrang bait kasi ni Mommy, lahat ng meron siya ay handa niyang ibigay sa lahat. She's a tough woman but no matter how tough she is, she has no match against her sickness. She's tough while her heart is weak.

Mabigat ang pakiramdam ni Dev dahil sa pag-alala sa yumaong ina. He misses his mother so much and after she left, it's as if their world had slightly become dark. Ang ina kasi ang nagsilbing liwanag sa pamilya ng binata.

"I'm sorry for what happened to her." Hindi alam ni Eshe kung papaano ba niya pagagaanin ang loob ng amo niya.

Tinapik na lang niya sa balikat at sa unang pagkakataon ay sinubukan niyang ngumiti nang totoo nang humarap sa kanya ang binata. She knew how to fake a smile. They were taught different kinds of a smile to lure their victims. But this time, she genuinely smiled to him.

"Mas bagay pala sayo ang nakangiti." Anito na nginitian din siya pabalik. "Do it frequently, there's no harm in smiling. Hindi naman talaga nakakamatay yung killer smile na tinatawag." Natatawang saad nito.

Nabura agad ang ngiti ni Eshe dahil sa ka-kornihan ng amo niya.

"Is that how you get your women?" Nakataas ang kilay niya sabay iiling-iling. "No wonder why you only got losers on your side because they can easily fall for your bullshits!"

"What the fuck?! Are you sure you really have nothing against me? Kung laitin mo ako parang hindi ako boss mo ah!" Anito na sumunod pa rin sa kanya na paikot na sa harapan ng cabin lodge para maglakad na pabalik ng mansyon. "Sabi ko lang tawagin mo ako sa pangalan ko, hindi yung lalaitin mo na ako nang todo."

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon