Wakas

248 26 0
                                    

Wakas

-After 6 months-

Ilang buwan na din ang nakalipas, simula nang nangyari ang insidente sa isla.

"Vienna kumain kana." Tumango naman ako kay Megan at nagpatuloy sa pagkain. Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Maayos na ang lagay ni Megan at ilang buwan na lang din ay mangaganak na siya. Magkaibigan parin kami hanggang ngayon. Sinampahan narin ng pamilya niya si Vien dahil sa pagpatay nito sa kaniyang kapatid na babae. Hindi lang sila ang nagsampa kundi lahat ng nabiktima ni Vien.

Sa lahat ng napagadaan at nangyari sa amin. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait at alalahanin ang masalimuot na nakaraan.

Si Vien at papa, nakulong silang dalawa. At ang pagka kulong kay Vien ay habang buhay na. Hindi siya sa prisonto dinala, kung hindi sa isang rehabilitation center. Kung saan lahat ng may komplikasyon sa utak ay doon dinadala.Samantalang ang aking ama naman ay 30 years lang siyang maaring makulonh. Katulad ng dati ay bumibisita ako sa kaniyang kulungan, ganon na din kay Vien.

Na ikwento narin ng aking ama sakin na hindi niya sinasadya ang nangyari sa kanila ni mama. Natakot daw siya na masisira niya ang pamilya ni mama. Kaya naman ay pinaubaya na niya ako sa aking ina. Para sa ikakatahimik ng lahat.

Pero isang trahedya naman ang nangyari kung saan na pina kidnap ni papa si Vien. At dinala si Vien sa isang misteryong isla. Ilang taon din ang tinagal niya doon bago siya muling nagpakita kila mama. Pero gumawa naman siya ng karumal dumal na krimen kung saan pinatay niya ang kakambal ni daddy.

Pagkatapos naman non ay dinala siya sa isang rehabilitation center kung nasaan si mama. Pero nakatakas rin siya at nagpanggap na ibang tao. Ginamit pa niya ang koneksyon ng aking ama upang magawa niya ang kaniyang nais. At sa oras na mapatay niya ako ay titigil narin siyang pumatay ng mga inosenteng tao.

At kaya niya ako gustong patayin ay dahil naiingit daw siya sa lahat ng mayroon ako. Yuon ang sinabi niya sa akin.

Si mama, dinadalawa ko din sa kaniyang rehabilitation center. Mabuti nga at pinapansin na niya ako, matapos kong i kwento ang lahat ng nangyari sa akin sa isla. Suma sama rin ang aking totoong ama tuwing ako'y dadalaw sa aking ina. Lumipat narin ako ng tirahan. Sa bahay na ako ng aking totoong ama nakatira ngayon.

Napaalam ko narin iyon kay papa. Sumangayon siya, at humingi ng tawad sa lahat lahat ng ginawa niyang mali. Pinatawad ko siya at nagpasalamat din ako sa lahat lahat ng ginawa niya para sa akin.

Tumaas na rin ang aking rangko sa aming Police Station. Noong una hindi ako makapaniwal, pero sa nagtagal tagal ay nasanay na din ako sa rangkong meron ako ngayon.

Sinabi na rin sa akin ni mama na, half sister ko daw si Vien. Wala naman akong magagawa doon kundi tanggapin ang katotohanan.

May natutunan ako sa lahat ng nangyari sa aking buhay.

Lahat ng aking naranasan at mararanasan pang sakit,hirap at depresyon ay kailangan kong gawing isang inspirasyon. Upang ako'y makabangon muli.

The end.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon