Kabanata 5

248 70 3
                                    


Kabanata 5

Nakakamangha at nakaka aliw ang loob ng yate. Pero aanhin mo ang ganda ng nasa paligid mo, kung mayroong kapahamakan ang naghihintay sa iyo?

Ang totoo nga niyan, hindi ko alam kung saan ako magsi simula. Ang hanapin ang mga taong nawawala? O hanapin ang taong nasa likuran ng lahat ng ito?

"Vienna! Vienna!" Napatingin naman ako sa taong tumatawag sa akin.

Nandito kase ako ngayon sa taas ng yate at nilalanghap ang preskong hangin. First time ko kaseng nakasakay ng yate.

"Nako Vienna! Andito ka lang pala!" Lumingon naman ako sa aking likuran.

"Megan?"

"Oo, tama! Ako to si Megan! Ang magandang chef!" Napangiti naman ako at nilapitan siya.

Pretending is my second skin.

Kailangang makisalamuha ako sa kanilang lahat at makipagkaibigan. Nangsa ganon makilala ko silang lahat ng lubusan.

Kung ang lahat ng mga taong nagpuputa rito sa isla ay nawawala. Kung ganon saan   sila nagpupunta? o baka naman naka kulong sila sa isla?  Kaya kailangan kong man manan ang kilos ng bawat isa sa kanila.

At sino ba talaga ang taong nasa likuran nito?

"Malapit na tayo sa isla! Exited na ako!" Magiling niyang wika.

"Megan, hindi ka man lang ba natatakot?" Kuryuso kong tanong.

"Saan?"

Lumunok muna ako, bago ko siya tinignan. "Ang balita daw ay lahat ng taong nagpupunta rito ay nawawala." Maingat kong sinabi.

Rumihistro ang takot sa kaniyang mukha at agad napalitan ng lungkot.

"Hindi ko alam..." Sabay lapit sa railings at hinawakan ng mahihpit.

"Bakit?" Sabay gaya ko sa ginawa niya.

"Sa islang ito, nawala ang ate ko." Napatingin naman ako sa kaniya. Bahagya nading namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.

"Kaya ako nagpunta rito, upang hanapin ang ate ko. Ang ate ko." Mabilisang nagsilandasan ang luha sa kaniyang mukha.

Yumuko naman ako at pinagmasdan ang dagat.

"I'm sorry," sabay hawak ko sa kamay niyang naginginig.

Napatingin naman siya sa kamay niya na hinawakan ko.

"Ayos lang," sabay pahid niya ng luha niya, gamit ang kabila niyang kamay.

"Uwa! Napakaganda naman dito!" Narinig kong sigaw ni Chelka, ang bunso sa kanilang tatlo.

"Vienna! Hintayin mo ako!" Napalingon naman ako sa aking likuran. Nakita ko si Megan na humahagos na tumatakbo patungo sa akin.

Huminto naman ako sa paglalakad at hinintay siya.

Wala kaming dala ni isang damit o kahit na ano. Kundi ang  suot namin noong kinidnad kami.

"May gamit kaya tayo dito?" Tanong ni Megan sa akin, habang kami ay naglalakad.

"Hindi ko rin alam eh," sagot ko naman.

Gabi na kaming nakarating rito. At hindi rin namin alam kung sino ang nagmamaneho ng yate. Bagkus biglang  huminto ang yate, at mayroong lumabas sa tv na nasa isla na kami.

Hindi ko alam kung paanong nasabi ni Chelka na maganda ang paligid. Dahil napakadilim at kakaunting liwanag sa buwan lamang ang ilaw namin. Hindi namin alam kung saan kami pupunta o ano.

"Teka! Umupo muna tayo!" Pasigaw na sinabi ni Neivi.

Sumangayon naman kaming lahat at kanya kanya ang naging pwesto namin.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon