Kabanata 2

326 78 2
                                    

Kabanata 2

Parang kahapon lamang ay pinag uusapan namin ang tungkol sa imbitasyon ng misteryosong isla. Ngayon nandito na sa harapan ko.

Mayroon lamang nag doorbell sa aking gate kanina at iniwan ang imbitasyon na ito sa harapan ng gate.

Hindi ko pa ito binubuksan, naka balot ito ng isang envelope na itim at mayroong nakapaskil na Isla Verdes sa isang maliit na papel.

Anong gagawin ko?

Isang daang tao na ang hindi bumabalik simula noong nagpunta sila sa naturang isla.

Anong gagawin ko?

Takot ang namumutawi sa aking buong sistema.

Sasabihin ko bang may natanggap ako?

O

Hindi?

Walang kasiguraduhan na ako'y makakauwi, dahil gaya ng sinabi ni Officer Jason lahat ng taong nagpupunta ay misteryosong nawawala.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aking buong buhay. Kung sakali mang hindi na ako makauwi, paano na ang mga magulang ko?

Inangat ko ang aking ulo upang tignan kung anong oras na. Mag a-alasingko na pala ng hapon.

Tumayo na ako sa aking couch at nag tungo sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking twalya upang maligo.

Hanggang sa aking pag-ligo naglalaban ang aking isipan. Kung ipapa alam ko ba na nakatanggap ako o hindi.

Pagkatapos maligo nag-suot na ako ka agad ng aming unipormeng asul. Kinuha ko na rin ang aking kupya at isinuot.

Napagdesisyunan kong dumalaw muna kay mama at papa bago ako pumasok. Tutal pang night shift  naman ako .

Bago ako lumabas ni locked ko muna ang mga bintana at pintuan.

Pumunta ako sa gate upang buksan iyon dahil ilalabas ko ang aking sasakyan. Pagkatapos naman ay nagtungo ako sa aking garahe upang pa andarin na ang aking kotse. Pina andar ko ito palabas ng gate. Nang nailabas ko na, bumaba ako upang isarado naman ang gate.

Naglakad na ako pabalik sa aking sasakyan. Akmang bubuksan ko na ang  pintuan ng umihip ang malakas na hangin. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa pag pasok.

Sinimulan ko ng pa andarin ang aking kotse patungo sa kinaroroonan ng aking ina.

Mahigit isang oras ang naging biyahe ko makapunta lamang dito. Bumuntong hininga muna ako, bago nag park sa parking lot.

Pagbaba ko sa aking sasakyan simoy ng preskong hangin ang bumungad sa akin. Nanuot sa aking balat ang lamig nito.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi mapa isip  kung bakit humantong ang aming buhay sa ganito.

Nasa hindi pa ako kalayuan ng matanaw ko na pamilyar na guwardiya na nakatayo sa gate. Ang ingay ng paglalakad ko lamang ang maririnig sa buong lugar.

"Magandang gabi Mang Kanor." Magalang at puno ng respeto kong sinambit.

"Magandang gabi din Vienna." Nginitian ko naman ang matanda.

Huminto ako sa tapat ng gate at inilabas ang aking ID upang i-tap iyon. Kusa naman itong bumukas, kaya tumuloy na lamang ako.

Pagpasok ko palang mga tawanan at hagikgikan ang bumungad sa akin. Hindi pa ganon ka dilim kaya nandito parin sa labas ang mga pasyente kasama ang kanilang mga nurse.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad, hanggang sa natatanaw ko na ang building ng Rehabilitation Center of St.Telen.

Pagka apak ko pa lamang sa semento  ng naturang building ay biglaang nagsi taasan ang aking mga balahibo. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nasa mismong building na ako bigla nalang akong kinikilabutan.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon