Kabanata 13

169 32 0
                                    

Kabanata 13

Isang bagong umaga na naman ang bumungad sa amin ni Megan. Bumangon na ako sa aking higaan at nilapitan si Megan sa kabilang kama. Katulad ng dati ay, nakaupo siya sa ibabaw ng kaniyang kama at nakatulala ito habang hawak-hawak ang tiyan.

Naawa ako sa kaniya, sa totoo lang. Kaya hanggat maari nasa tabi niya ako.

"Megan," tawag ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang nasa tiyan niya.

"Vienna, araw-araw kong iniisip ito. Simula noong namatay si Cloud. Anong mangyayari sa amin ng anak ko? Paano kapag hinanap niya ang tatay niya? Ano yung sasabihin ko? Baka nga isang araw magising na lang kayong lahat at patay na pala ako." Nangilabot ako sa sinabi niya.

"Pro-protektanan ko kayo ng anak mo. Kaya dapat sa tabi lang kita." Sinabi ko sa kaniya, napatingin naman siya sa akin.

"Vienna, maraming salamat dahil naging mabuti kang kaibigan sa akin. Pero sana, isipin mo din ang sarili mo at wag ang ibang tao." Marahan at puno ng pag-iingat niyang sinambit. Tumayo na siya at nagtungo sa pintuan, upang lumabas.

Anong nangyari?

Huminga muna ako ng malalim bago siya sinundan sa labas. Nung lumabas ako ay wala na siya sa paligid, kung kaya't napagdesisyunan kong pumunta sa kitchen. Hindi pa naman masakit sa balat ang sikat ng araw. Mabasa basa din ang buhangin, maaring dulot ito ng ulan kahapon.

Pagdating sa kitchen, isang malalakas na tawanan at hiyawan ang aking nadatnan. Pinaka titigan ko sila isa-isa. Napa luwag naman ang aking hininga ng walang nabawas sa amin. Pero si Joshua, hanggang ngayon hindi parin namin nakikita.

Sa lahat ng inosenteng mukha na ito. Sino nga ba talaga ang tunay na demonyo?

"Vienna! Andiyan kana pala. Halika kain na!" tawag ni Neivi agad naman akong tumalima at nilapitan siya upang kumain na ng almusal.

Tanghaling tapat ng napagdesisyunan kong maglibot libot muli sa isla. At baka mayroon akong makitang kahit na ano.

Nandito ako ngayon ulit sa inyugan. Lahat sila, kasama si Megan ay nasa kaniya kaniyang cabin na. Ako lang ang nandito sa labas. Ayokong tumunga nga dahil hanggang ngayon wala pa akong nakikitang kahit na ano.

Pakiramdam ko wala akong kwenta.

"Ahhhhhhhhh!" Umalingaw-ngaw ang isang malakas na sigaw sa buong inyugan. Agad akong napatigil at tinakbo ang pinang-galingan ng sigaw. Akala ko ha, ako lang ang nandito?

Humahagos akong tumakbo patungo sa dalampasigan at hindi sa kalayuan, nakita ko sila na nagkukumpulan sa isnag cabin. Mas lalo kong binilisan ang aking takbo.

Nang nakarating ako ay agad kong tinignan kung ano iyon.

"Lein?" sabay katok ni Ace sa isang cabin. Kung saan nandito kaming lahat.

"Anong nangyari?" humihingal kong tanong.

"Mayroong narinig na sigaw si Chelsea at lumabas siya sa cabin niya at nagtungo sa cabin ni Lein, kung saan mayrong sigaw. Tapos naman ay si Chelsea ang sumigaw." kwento ni Neivi. Dahil walang may gustong pumansin sa akin.

Kumunot ang aking noo, so si Chelsea ang sumigaw kanina?

"Excuse me," hindi ko na napigilan at agad na nagtungo sa pintuan ng cabin ni Chelsea. Dahil kanina pa kumakatok si Ace, at hindi niya mabuksan yung pintuan.

Mabuti na lamang at may dala kaong hairpin lagi. Ginamit ko naman iyon, upang buksan ang pinatuan ni Lein. Pagtunog palang ng nabuksang pintuan ay sabay sabay kaming napa buntong hininga.

Ako na ang unang pumasok. Ngunit wala akong nakitang kahit na ano. Maliban na lamang sa isang butas na nasa gilid ng kama niya. Dahil sa kuryuso ko ay tinignan ko iyon at isang hagdan ang bumungad sa akin. Teka kanino cabin ito? Dahil kahoy lamang ang sahig na ito. Hindi tulad ng amin na naka tiles.

Malaki ang butas na nasa sahig at kasiyang kasiya ako. Hindi na ako nag akasya ng panahon at bumababa gamit ang hagdan. Isang madilim na pathway ang bumungad sa akin at ang nagsisilbing ilaw ko lamang ay ang ilaw na mula sa itaas.

Kunot noo kong nilakad ang madilim na daanan na iyon. Wala akong nakikita sa totoo lang, purong itim lamang.

Nang bigla akong napatigil dahil bigla akong naumpog habang naglalakad. Napa sapo ako sa noo ko at kinapa kung ano ang nabunggo ko. Kinapa kapa ko iyon, at mayroon akong nakapang door knob?

Door knob?

Kung may door knob, ode ibig sabihin non pintuan ito?

Hinawakan at pinihit ko ito, at isang maliwanag na ilaw ang bumulaga sa akin. Napapikit ako sa sobrang silaw. Pagkatapos lang ng ilang nakaraang minuto ay dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Napamangha ako sa aking nakikita ngayon.

Mayroong infinity pool sa gitna, sa kaliwang parte ay isang mini bar at sa kanan naman nito ay mga lamesa upuan at sun lounger Ang kaninang maliwang na ilaw ay napalitan na ng ibat ibang kulay. Tila ay nasa isa kang party. Nagkaroon na din ng fountains Ang bawat gilid ng pool at kulay ang infinity pool. Naka tiles din na puti ang sahig.

Pero nasaan si Lein?

Hindi pa rin maka paniwala sa aking nakikita ay nagtungo ako sa mini bar, nagbabakasaling nandoon siya.

Tama nga ako, nandoon siya. Naka upo sa sahig at mayroong tinutunggang alak.

"Lein," tawag ko, nakuha ko ang kaniyang atensiyon. Ngunit isang irap lamang ang aking natanggap mula sa kaniya at padabog na tumungo sa pool sabay lundag.

"What the fuck is these?" Napabaling ako sa pintuan. Narito na silang lahat, pati si Megan. Katulad ko manghang mangha sila sa nakikita. Kaniya kaniya sila pwesto kung saan saan.

Ilang oras na din ang lumipas at narito parin silang lahat. Masaya at nag aaliw silang lahat sa nakikita. Naka bikini narin ang mga babae, maliban sa akin. Ngayon naman ay naliligo na sila sa infinity pool. Naka kain narin kami ng hapunan, dahil nagdala sila rito kanina. Naka-ligo na rin ako sa banyo rito.

Narito lang ako sa sulok nagmamasid sa kanila at binabantayan ang kanilang mga kilos.
Halos lahat sila ay lasing na, maliban samin ni Megan. Dahil pinag-pyestahan nila ang iba't ibang uri ng alak sa mini bar kanina.

Sumapit pang muli ang ilang oras at lahat sila ay naka tulog na sa sun lounger. Hindi ko alam kung bakit may sun lounger, eh wala namang araw?

Habang sila ay tulog na tulog na ay napagdesisyunan kong ayain si Megan na matulog na din. Sa taas nga lang, sa cabin nila Lein. Pumayag naman siya, at ng nandoon na kami ay nilock ko ang pintuan ni Lein at humiga na ako sa isang kama.

Dito ko napagdesisyunang matulog, marahil kung sino man ang lalabas ng pintuan dito. Maaring siya ang killer.

Tumagal ng tumagal ang oras at nakatunganga lamang ako sa kisame. Sa huli ay napag desisyunan ko ng matulog.

***

Hey guys! Just wanna say thank you for reading this story! I really, really appreciate it💛.

I love you all!💛

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon