Kabanata 16

171 32 0
                                    

Kabanata 16

Third Person P.O.V.

Sumapit ang gabi at napagpasyahan ng lahat na mag-bonfire sa tabing dagat. Nagiihaw sila ng mga marshmallows, hotdogs at kung ano ano pa.

Ngunit sa mga sandaling iyon si Jonathan ay Lein ay mariin lamang nagkakatitigan. Wala sialng ibang ginawa kung hindi ang magusap sa mata. Tila'y nababasa nila ang nilalaman ng kanilang mga isip.

Sumapit muli ang ilang oras at napagdesisyunan ni Jonathan na ayain si Lein saglit. Tumango naman ang dalaga at malalim din ang iniisip nito.

"Saan tayo pupunta?" puno ng kuryosidad na tanong ni Lein.

Huli na ng napansin niyang nasa batuhan na bahagi ng isla.

"Bubuksan ko itong vape ni kuya at sabay nating tignan." May halong pait at galit na wika ni Jonathan.

"Alam mo naman ang sinabi ko hindi ba? Sa oras na ako---" bago pa man makapag patuloy si Lein ay pinutol na siya ni Jonathan.

"Ako ang papatay sa kaniya, kahit na anong mangyari. Mag-unahan nalang tayo kung ganon."

"Sa tingin mo... Magpapatalo ako?" Nakangising sambit ni Lein.

Nang biglang dumating si Chelsea at tinignan silang dalawa.

"Saan? Maglalaro kayo?" sabat niya. Mabilisan namang tinakpan ni Jonathan ang bibig nito.

"Kaingay mo naman!"

"Hmmp!hmmp!" sabay tanggal ng kamay ni Jonathan sa bibig niya.

"Ano nga kase iyong laro niyo? Gusto kong sumali!" mariing sambit ni Chelsea. Inilingan lamang sila ni Lein at biglaang umalis.

Hahabulin na sana ni Jonathan si Lein ng sumenyas itong sa susunod nalang ulit sila mag-usap.

"Wala, bumalik na nga tayo ron." Kinamot pa ni Jonathan ang batok niya bago nag-pati una sa paglalakad. Wala namang ibang nagawa si Chelsea kung hindi ang sumunod.

"Ano kayang laro yon?" kausap niya sa sarili.

Pagdating ng tatlo ay nakapag ihaw na ang mga kasamahan nila. Iba iba silang pwesto.

"Megan, ayos ka lang?" biglaang tanong ni Vienna, habang sila ay kumakain. Napatingin ang lahat sa gawi nila, dahil nakatakip ang kamay ni Megan aa kaniyang ilong.

"Oo, nasusuka lang ako. Parte lamang siguro ng pagbubuntis." Sagot naman ng dalaga, saby ngiti ng hilaw. Sabay sabay naman silang laaht na napa hinga ng maluwag.

Wala pang ilang saglit ng si Lein naman ang biglang napahawak sa bibig. Nagstiwanan silang lahat, akala nila ay nagbibiro lamang ito.

"Buntis ka Lein?" sabay hagalpak ng tawa ni Ace, nakisabay na din ang iba maliban kay Megan at Vienna na nakatingin ng mariin kay Lein.

Tumayo si Vienna sa kinauupuan at lumapit kay Lein na hawak hawak parin ang bibig.
Napatigil silang lahat sa ginagawa at sinundan nila ng tingin si Vienna.

"Lein akina yung kamay mo."

Pero inilingan lang siya ni Lein. Wala namang nagawa si Vienna kaya tinaggal na niya ang nakatakip na kamay nito sa bibig.

Sabay sabay silang lahat na napatayo at ang iba ay napasuka pa. Dahil sa sinukang dugo at pagkain ni Lein.

Walang tigil ang pagsuka ng dugo ni Lein. Si Vienna naman ay hinahagod ang likod nito at tinatakpan paminsan minsan ang bibig. Dahil walang naglakas loob sa kanialng lumapit rito.

Nagdala ng ng palanggana na mayroong lamang tubig at bimpo si Neivi. Kinuha naman ito ni Vienna at pinunas sa mukha ni Lein. Namumutla at nanghihin na rin si Lein.

Si Jonathan at Ace naman ay sinusuri ang kinain ni Lein. Si Chelsea at Cheska naman ay pinapa kalma si Megan.

Ilang saglit lang ang lumipas ng biglaang napahiga si Lein sa buhanginan at lumabas ang masagana at pulang pulang dugo niya mula sa kaniyang bibig. Kasabay nito berdeng likido na lumabas sa kaniyang ilong.

Hindi na nila alam kung ano ang gagawin. Dahil wala namang doktor ni isa sa kanila.
Hanggang sa nangisay at nawalan na ng buhay ang dalaga.

"Oh my God!"

"Fuck!

"What the hell!"

"Gusto ko ng umalis dito!"

"Guys, kumalma kayo. Mabuting magsibalikan muna kayo sa mga cabin niyo at magpaahinga." Anunsyo ni Vienna.

"Paano kaming kakalma? Kung iniisa isa na tayo ng killer na yon? Haa? Sigeh nga! Sabihin mo sino ang pumapatay!" Napahilot na lamang ng sentido si Vienna bago binalingan si Chelsea na umiiyak.

"I'm sorry. Please, pumunta nalang kayo sa mga cabin niyo. At higit sa lahat wag kayong aalis ng walang kasama. Huwag rin kayong lalabas na dalawa lang, dapat tatlo. Hindi natin alam kung sino ang isusunod ng killer . Pagbabayarin ko siya sa lahat lahat." Kumuyom ang nga kamao ni Vienna at kulang na lang din ay magdugtong ang kilay nito.

"Paano ka?" tanong ni Neivi kay Lein."

"Kasama ko naman sila." Sabay turo ni Vienna kay Jonathan at Ace. Sumangayon naman ang iba, pero nasa mga mukha pa din nila ang takot.

"Food poisoning." Umigting ang panga ni Jonathan at tinignan ang walang buhay na si Lein.

"Oo nga." Sabat ni Ace. Tumango naman si Vienna at dahan dahang nilapitan si Lein na naka mulagat. Dahan dahan niya itong binaba at tinignan ang dalawa.

"Ilibing na natin." Sinabi ni Vienna. Sumunod naman ang dalawa at unti unting umalis ulang kumuha ng gamit.

Katulad ng sinabi ni Vienna ay inilibing nga nila ang bangkay ni Lein. Sa tulong na din ng dalawa ay na gawa nila ng maayos ang paglibing sa bangkay ni Lein.

"Mauna na ako," paalam ni Vienna. Tumango naman si Ace at pinunasan ang pawis nitong umaagos sa kaniyang mukha.

"Mauna kana Ace, may gagawin pa ako." Kinunutan siya ng noo ni Ace, halatang hindi sa sangayon.

"Hindi pwede," sagot naman ni Ace.

"Ace, seryoso ako. Kung gusto mo bantayan mo ang bungad ng inyugan at hinatayin mo na lang ako." Malamig na wika ni Jonathan, isang tango na lamang ang naging tugon ni Ace.

Pag-alis ni Ace ay agad na kinuha ni Jonathan ang vape at hinanap ang recorder nito. Kinatikot niya ito ng kinatikot.

Ganon nalang ang tuwa niya ng makita ito at akmang i pla play na ng mayroong makitang anino hindi sa kalayuan.

"Sino yan?!"

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon