Kabanata 17

163 30 0
                                    

Kabanata 17

Sa hindi inaasahang panahon ay biglaang sumulpot si Chelsea. Gulat at nag huhumirintado ang puso ni Jonathan dahil sa sobrang kaba nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakakunot ang noong tanong ni Jonathan.

Dumilim ang mukha ni Chelsea at mariing tinignan si Jonathan.

"Ano yang hawak mo?" tanong ng dalaga kay Jonathan.

Ngunit hindi ito sumagot at pinakahigpit pa ang hawak sa vape.

"Jonathan, ano nga kase yan?" Nagpupumilit na tanong ni Chelsea. At naglakad patungo kay Jonathan. Umatras naman si Jonathan, napansin ito ni Chelsea kaya tumigil siya.

"Bahala ka nga, tinatanong lang naman kung ano yang hawak mo eh." Sabay talikod sa kaniyang ni Chelsea at dahan dahang naglakad palabas ng inyugan.

Napahinga ng maluwag si Jonathan at nilabas ang vape na hawak nito. Hawak hawak na niya ang vape ng biglang sumulpot si Cheska. Sa gulat niya ay nabitawan niya ito.

Bago pa man siya maka kilos ay nakuha na ito ni Cheska. Mariin niya itong sinuri at pinagmasdan.

"Narinig ko usapan ninyo ni Lein."

Napakurap kurap ang mga mata ni Jonathan. Hindi niya inaasahang mayroong nakarinig sa kanila ni Lein.

"Anong narinig mo?" seryosong tanong ni Jonathan kay Cheska.

"Na may recorder ito?"

"Hindi totoo yon."

"Totoo yon, nagsisinungaling kapa Jonathan eh."

Napalunok si Jonathan at hinablot niya kay Cheska ang vape.

"Gusto kong malaman, kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kakambal namin. Gusto kong mag-higanti. Kaya parang awa mo na at iplay mo na yan. Hustisya ang hanap ko Jonathan. Hustisya..."

Naawa si Jonathan kay Cheska. Dahil pareho sila ng dahilan kung bakit nila ginagawa ang lahat ng ito.

Hustisya...

"Sige, pumapayag na ako."

Napangiti si Cheska ng mapait at nakatingin kay Jonathan habang inaayos nito ang recorder.

Sa kabilang dako, kung nasaan sila Megan at Vienna, naguusap ng masinsinan.

"Vienna, natatakot na ako sa totoo lang. Yung tatay ng anak ko, patay na. Tapos nagaalinlangan pa ang buhay naming mag-ina dito."

Magiyak-ngiyak na wika ni Megan.

"Gagawin ko ang lahat para protektanan kayo ng anak mo at ng mga kasama natin. Responsibilidad ko kayang lahat."

Isang mapait na ngiti na lamang ang naging tugon ni Megan.

"Neivi! Ano yang niluluto mo?" Tanong naman ni Ace kay Neivi na naglulutong mag-isa sa kusina.

"Sinigang at adobo. Bakit? Gusto mo na bang kumain?" Nagtataka na nagtanong si Neivi. Ngumisi naman si Ace at dahan dahang lumapit sa pwesto niya.

"Ayaw ko, gusto ko ikaw ang kakainin ko. Rawrrr"

Sabay silang napahalakhak at pa iling iling na nagpatuloy sa pagluluto si Neivi.

Habang si Cheska ay nakatungangag pinagmamasdan ang tahimik at payapang dagat.

Goodbye!

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon