Kabanata 18

169 29 0
                                    

Kabanata 18

Third Person's POV.

"Nakita niyo ba si Cheska?"

Pambungad na tanong ni Chelsea. Dahil kaninapa pa niya hindi nakikita si Cheska.
Umiling naman silang lahat.

"Bakit mo siya hinahanap?" nagtatakang tanong ni Jonathan.

"Kanina ko pa siya hinahanap, and I can't find her."

"Sa inyugan? Pinuntahan mo na?" si Jonathan.

"Hindi pa," sagot ni Chelsea.

Bumuntong hininga naman si Jonathan.

"Try mo, baka nandon siya."

"Sigeh, thanks"

Napaluwag naman ng hininga si Chelsea at tinahak ang dahan patungo sa inyugan. Parang tinatambol ang kaniyang dib dib sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa.

Akmang papasok na siya sa inyugan ng mayroong humawak sa kaniyang braso. Napatigil siya sa pag-lalakad at marahan na nilingon ang kamay na humawak sa kaniyang braso.

"Anong ginagawa mo dito? Tanong ni Chelsea.

Lumunok muna si Jonathan bago sumagot.

"Sasamahan kita," sagot naman ni Jonathan.

"Okay?" sabay taas ng kaliwang kilay ni Chelsea.

Sabay silang naglakad patungo sa inyugan. Napag desisyunan din nila na sa kanang bahagi maghahanap si Chelsea at sa kaliwang bahagi naman si Jonathan.

Habang naglalakad sa inyugan si Chelsea ay mayroon siyang naaamoy na masansang at malansa. Ang akala niya ay kung ano lang iyon. Pero hindi pa nagtagal ay mas lalong lumakas ang amoy.

Una pa lamang ay kinabahan na siya, mas lalo na ding lumakas ang tambol ng kaniyang puso. Kinakabahan siya , na maaring dugo iyon ng ka kambal.

Hindi sa kalayuan sa kaniyang nilalakaran ay mayroon na siyang natanaw na tao at puno ng dugo. Nakasandal sa puno ng inyog.

Sa suot pa lamang, namukhaan na niya ito. Si Cheska, ang ka kambal niya. Puno ng dugo at mayroong nakasaksak na kutsilyo.

Nanghihinang napa luhod si Chelsea. Nakatulala sa bangkay ng kapatid at patuloy na umahagos ang luha mula sa kaniyang pisngi.

Napatakip siya sa kaniyang bibig at nanghihinang nilapitan ang kapatid. Hindi na niya makilala ang mukha at katawan nito.

"Ches---ka?"

"Gisi----ng kan-a and-i-to na s-----i ate!" Sabay akap sa puro dugong katawan ni Cheska.

"Tulong! Tulong!" Sigaw niya at pilit na pinalakas ang loob. Hinaplos haplos din niya ang buhok ni Cheska. Inakap niya pa ito ng mas mahigpit, nanlalabo na din ang mga mata niya.

"Tulong!" Buong lakas niyang sigaw.

Aminado siyang natatakot siya na maaring isa sa kanila ang mamatay ni Cheska. Pero hindi niya inaasahan na ganon ito kabilis.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon